Chapter 33...Buhay Mayaman
Medyo natakot ako sa mga lumalabas sa dyaryo...buti nalang ..yung mga ibang reporters eh walang makuha na litrato ko since hindi naman ako talaga mahilig...
Sinabihan na agad ni Carla na wag mag release ng personal information ko sa Personnel dept ng Fast Ad agency....in fact..sinira lahat ni Carla ang records ko...para completely mabura ito at wala silang makuha...
Nagtagal ako sa Cebu..dahil gusto ko mag pahinga..habang si Monica naman ang in charge sa mga naiwan sakin ni Don Jaime....malaki siniweldo ko kay Monica since mukang pera yun ....she requested for 10,000 Pounds a month plus expenses..like dinner with clients, gasoline..cellphone charges...maids.and living in that hotel...ayaw nya na ata umalis dun..even though I told her na bibili nalang ako ng condo or house sa Villages...
Right now...wala naman akong cash..dahil yung 25 billion na yun eh shares of stocks..unless I sell it....so I only have 10 million in my bank na pina mana sakin ni Don Jaime...so I still maintained my simple lifestyle..contrary to what the newspapers are saying...na naka private jet daw ako etc....
minsan talaga...puros kalokohan ang lumalabas sa dyaryo..para lang mabilog nila ang readers para bilhin ang dyaryo nila...at ang mga tao naman..gusto ng mga ganung balita...either nakaka sira..or mang iinggit ng tao para sila mangarap ng buhay....pathetic ang view ng society...hindi nila tuloy nalalaman ang kototohanan sa bawat balita...pinag lalaruan lang sila ng mga reporters at ng mga politicians...mga parehong bolero....bakit kaya hindi pa sila kainin ng kumunoy lahat..ng gumanda itong planeta natin...
Since wala akong mga pictures na lumabas sa mga dyaryo..kami ni Carla ay nakaka gala pa din sa mga malls, restaurants, sa beach at kung saan saan....enjoy na enjoy ako kay Carla...lahat nakaka limutan ko kapag andyan sya...and besides..Carla is the only sensible person left in this world for me...kahit alam nyang mayaman nako...eh parehas pa din ang turing nya sakin..nag babatukan pa din kami etc...of course ngayon..hindi na kami KKB...ako na lahat ang gumagastos...hindi ako bumili ng bagong kotse...gamit ko pa din yung bulok na kotse...na binabayaran ko ng hulugan nuon na ma promote ako...at tinuloy ko nalang...
Ayoko sa mundo ng mga mayayaman..para sakin..puros sila plastic...at puros plastic surgery din ang mga muka...kanila nalang ang mga plastic na yan...gusto ko simpleng buhay ...at magagawa ko ang gusto ko....
Araw araw..dinudumog ang fast Ad agency ng mga reporters...na pilit na humihingi ng information tungkol sakin....pati sa bahay ng mommy ko..parating may reporters daw....buti nalang...walang nakaka alam ng condo ni lola...since asa pangalan pa din ito ni Lola Tasing..at hindi pa na change of title....kaya tahimik lang ako sa condo...
Si Carla din..parating nag pretend na hindi nya ako kilala...at parati din syang tinatanong sa opisina....
Honestly..nag iisip pa din ako..kung ano gagawin ko sa mga kayamanan na yun...kung mag abroad nalang ako ...kukunin ko si mommy at titira nalang kami sa London...at mananahimik...
Pero kapag sumasagi si Boy sa isipan ko..lahat yun nag babago....parati kong sinasabi na...hindi pa kami tapos!
end of Part 1 Chapter 33
Live Interaction with the Author - Fox
Friday, June 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment