The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Monday, June 16, 2008

CHAPTER 28

Chapter 28 (Manila)

Lumanding na ang private jet ni Don Jaime sa runway ng domestic terminal...pero nag punta yung jet dun sa private garage ni Don Jaime...meron palang ganun...hindi ko alam...

tapos..may private limousine na nag aabang...sumakay kami ni monica sa kotse....at nag usap...

"well jake..welcome to manila"
"thnx..monica"
"anyway...dun ka sa condo..ihahatid ka ng driver..ako naman hahatid nyo muna sa hotel..then I'll contact you"

"okay monica.."

habang dumadaan kami sa edsa..malaki na din ang pinag bago ng manila..dami ng buildings na bago...at mas maraming tao...

sa mga oras na yun...tanging si mommy at si boy lang ang naiisip ko...sila lang ang mga kinakatakutan ko sa maynila...ngayon alam ko na kung bakit galit si boy...ehh...para akong naawa sa kanya...at gusto ko humingi ng tawad...pero hindi ko ata kaya syang harapin...

hinatid namin si Monica sa hotel...then...ako naman hinatid nung driver...pag baba ko..may sumalubong sakin..si Mel...alalay ni Don Jaime..

"good morning sir"
"hi..."
"sir..hatid ko kayo sa condo nyo.."
"ok..."
kinuha nya ang maleta ko at hinatid ako sa unit..malaki yung unit...3 bedrooms...at 2 unit lang ang nasa isang floor..at kitang kita mo lahat ng view..from Manila Bay...tapos..sa kabila..eh Laguna de bay...tapos..yung bundok ng Antipolo...at ang makati skyline...ganda....

Nag imapke lang ako..at balak ko muna matulog...pag pasok ko sa kwarto...kumpleto na ng gamit...pati tualya...binuksan ko yung mini ref..at punong puno din ito ng candies, drinks, at snacks..parang hotel ....

Nag shower muna ako...hay..sarap ng pakiramdam...tapos may nakita akong pinto sa loob ng banyo..binuksan ko to...yun pala..may jacuzzi room at steam room...wow..okay to...

after that...humiga ako ng naka hubad at naka tulog na...

hanggang sa nagising ako ng katok sa pinto....

No comments: