The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, June 17, 2008

Chapter 29 si Mommy Part 1

Medyo nalasing nako ...at mga 12 midnight na ...pero kaya ko pa din ang sarile ko...ewan ko...parang may humihila sakin.....sa lumang bahay namin...gusto ko na makita si mommy..tamang tama..gabi na..tulog na mga kapit bahay at hindi na nila ako makikita....gising pa kaya si mommy....nag bihis ako...at nag mamadaling bumaba sa elevator...

bumaba ako ng lobby...at nag patawag ng taxi...pag sakay sinabi ko agad kung san papunta..

"boss novaliches tayo...dun sa may bayan...tapag ng munisipyo"

medyo malayo yun sa condo ko..buti nalang at gabi.wala ng traffic sa edsa...bumaba ako sa taxi at binayaran ito...medyo nabigla ako sa singil..ang mahal na pala ng taxi ngayon...pag baba ko...natulala ako...ngayon ko lang nakita uli bahay ko....pinag masdan ko muna ito...tinignan ko ang kalye namin..kung san ako nag lalaro nun ng patintero...at tambayan ng mga barkada ko dito..dun sa tindahan...pero mukang wala na yung tindahan..at marami ng bagong bahay..siguro nag pa renovate na...pero ang bahay namin..parehas pa din...

madilim na madilim ang bahay namin...si mommy talaga ..up to now.kuripot sa koryente...ni isang ilaw..ayaw mag bukas sa gabi...miss na miss ko na si mommy..hindi ko alam kung ano magiging reaction nya..kung magagalit ba sya o isinumpa nya na ako...hindi ko talaga alam...

ano kaya sasabihin nya tungkol sa kabaklaan ko at ang nangyari kanila tita...mahal ma mahal pa naman nya yung kapatid nyang yun..tapos ako pa yung sumira ng relasyon nila mag asawa...hay..hindi ko mapapatawad sarile ko...

ano kaya unang sasabihin ko kay mommy....yayakapin ko ba sya..o mag papaka formal...teka..kilala nya pa kaya ako..eh tumangkad nako at lumaki na...baka hindi nya ako makilala..shet..pano yan...ano yan..mag good evening mom ba ako....shet hindi ko alam gagawin ko...pano kung katulong ang sumagot at ayaw nya na pagising..sigurado iba na ang katulong namin..since walang tumatagal kay mommy na katulong...

uwi nalang kaya ako sa condo...tang ina..naduduwag ako.hindi ko alam kung pipindutin ko ang doorbell namin..malakas pa naman yun sobra....shet...nag isip uli ako....kailangan handang handa ako kay mommy....pano ko sasabihin na alam ko na ang lahat...mag tataka pala yun....ano ba yan ang daming pumapasok sa ulo ko....or mag pretend ba ako na kunyare wala akong alam at iiyak ako....

ayoko..ayoko kumatok....balik nalang ako...hindi..hindi..ganito nalang..pag may dumaan na taxi dito...ibig sabihin nun..babalik ako sa condo..pag wala up to 30 minutes...ibig sabihin nun...kakatok ako...

"lola..tulungan nyo ko maka decide....natatakot po ako lola tasing...."

nag simula ako mag antay....sige..ganun nalang.....

end of Part 1

No comments: