The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Sunday, June 15, 2008

CHAPTER 24

Chapter 24 (galit ni boy)

napa isip ako...bakit ang taray nito...sa mga oras na yun...parang tuwang tuwa ako..kung sya nga si boy...at gusto ko syang yakapin...miss na miss ko na sya...

"boy?" sabi ko
"oo rey ako....ahh..sori jake na pala"
" buti nakilala mo pa ako" patuwa na sinabi ko...
" oo...alam na alam ko lahat tungkol sayo"
"huh? pano ? kanino?"
"hahaha...hindi mo ba alam ang P.I?"
"anong P.I?"
"private investigator"
"bakit naman?"
"basta!" pagalit na sigaw ni boy....tatanungin ko sana sya kung ano kasalanan ko..pero binara nya ako

" you know what...I"ll make sure...that your presentation will NOT be approve!!...and for sure ..you don't have my vote"

" huh?" natulala lang ako...bakit ang laki ng galit ni boy sakin...eh ako nga dapat magalit...takang taka ako...pero andun pa din yung pagmamahal ko sa kanya kahit ganun sya mag salita sakin...

"boy bakit?"
"it's ted now...teddyboy...that's my full name...like you...now it's Jake...hahahahaha"...nag tatawa sya habang nag walk out sakin...

wala akong nagawa kung hindi tumigil..na parang statwa....ano ba nagawa ko? diba dapat ako ang galit...balik balik sa utak ko yun....at nasaktan ako sa sinabi nya..."I'll make sure that your presentation will not be approve"....paulit ulit yan sa utak ko....ang tanong ko lang ehh " bakit"

hanggang tinawag ako ni carla...

"hoy...jake...what happened?" habang papalapit sakin si carla..alam nya na natulala ako...at nadinig din nya ang sinabi ni boy...kasi alam ko sumigaw sya..

"jake..sino y un?....bakit galit sayo...?"
"hindi ko alam carla...kababata ko sya...pero hindi ko alam kung bakit sya galit sakin"
"ayun naman pala...kababata mo..eh di we get 1 vote na..."

"dapat nga ehh....ewan ko...sya pa yung against sakin..at galit na galit..ni hindi ko alam kung bakit"

nag ligpit na kami ni carla....nag iisip pa din ako....nung asa lobby nako..tinanong ko sa reception kung anong room si boy...
"miss..do anong room si teddyboy montano"?

"wait sir...sir..teddyboy 2 words or 1?"
"1..thnx"
"sir...no listing...baka sir nag list sa ibang name or dun sa kasama nya"
" asa grupo sya ni don Jaime?"
" hmmm....sir....sir...no listing talaga"
"anyway..thank you miss"

umuwi nako...dumaan muna ako sa opisina..latang lata ako...kaka promote ko pa lang...at eto...kapag hindi namin nakuha ang account...papatayin ako ng boss ko..at siguradong fired ako.....bakit ba bumabalik ang mga taga San Jose sakin? sinira na nila ang buhay ko...tapos eto nanaman....sunod sunod.....una si bernie...and now boy? at galit pa sakin....

pinatawag ko na sila nuon pa...except kay tito...pero bakit ganito...ngayon matino na ang buhay ko...eto nanaman sila...at kusang binabalik ang San Jose sakin....hayop na buhay to!!...pasigaw kong sinabi sa sarile ko....

pinatugtog..ko uli yung favorite kong cd...at nag isip ng malalim...uubusin ko na itong chivas...kailangan malasing ako uli...isang tulog lang ito..at bukas..wala na lahat....naisip ko uli si lola...

sana bukas..si lola uli ang gumising sakin......at napatulo nanaman ang luha ko sa mga mata.....

end of Part 1

Chapter 23 part 2 (another presentation)

Presentation nanaman....hayop...I need at least 3 votes....so wala na si boy...ni hindi ko alam kung sino sa kanila ang 4 remaining na top sales agent...who will decide on my future...

ginandahan ko talaga ang presentation ko...kahit may hang over ako ng konte..panay ang inom ko ng kape...siguro naka 8 cups ako...buhos ng buhos ng brewed coffee....na explain ko naman ng maayos..at muka namang na impress si Don Jaime...na parating naka titig sakin....

duma daan lang ang mata ko kay boy...pero hindi ko na tinatagalan pa..at baka ma distruct nanaman ako....pero naka titig sya sakin...para akong tinutunaw ng mga tingin...para akong kandila...at sila naman eh mga bagang maiinit..na unti unting tumutunaw sakin...

biglang may nag taas ng kamay...
"yes"
" do you think..with our pricing and payment scheme...that the class B and C can afford it"

buti nalang napag aralan ko yan..

" sir..I know that the monthly payment is only around 25K for a standard studio...well at least..that is the cheapest or low end that we are selling right?"

"yes..go on"

" but after 4 years ..with my approximation...the project will be completed..and with the total cost of 2.5 million...the client or the buyer still has a balance of ..1.2 million interest free.."

"yes.." sabi nung isang agent...

"now...class b here in cebu earns around 50K to 150K per month...so for sure..they can afford the monthy payments..but for class C...who only earns from 10k- 49K per month...for sure..they cannot afford the monthly payments"

ng biglang sumabat si boy...

" so you don't have any proposals for these ?"

"sir...I mean..we cannot simply increase the income bracket of Class C"

"what is the percentage of class C in metro cebu? and how many are they? you can have an estimation....what...100,000...200K....3 00k...ilan sila?"

medyo natulala ako...nag hahalo ang inis...at nag iisip kung ano ang maisasagot ko...ng biglang pinutol ni don Jaime..

" okay jake...what ted is talking about is...of course..we want to capture the Class C..no matter what...that is added sales right iho?"

"yes sir"

"now..what can we do to capture them...do we lower the monthly dues..or longer terms..interest free..or have a partnership with my bank for easy loans...yun lang iho..gusto ni ted...you know my people..they are hungry for sales...right ted"

"Yes sir" proud na sagot ni tukmol....tang ina nya..pabida yang hayop na yan...at sumabat uli si tukmol....

" now how much monthly payment do you think the Class C of cebu can afford..so we can easily target them..have you made your studies on these matters Mr Jake Ramos"

sa mga oras na yun...umu usok na yung mga mata ko kay tukmol...tang ina mo ka...kung pwede ko lang masabi yun sa harap nilang lahat...

" not extensively sir"

"oh..you can call me TED.....JAKE?" pabalang na sinabi ni tukmol...

"oh..pano yan...we need a report on these matters..can you get it by tomorrow...I know it's too soon..but we just cannot afford to be here in Cebu just waiting for a small report...and besides...don't you think you should have been ready by now?"

" I apologize sir..sori..ted...yes..I can do it asap tomorrow...I will let my team work tonight"

putangina mo...pag pupuyatin mopa ako at mga tauhan ko...leche ka boy...humanda ka...ako ang dapat magalit sayo..at hindi ikaw....ikaw ang umiwan sakin ..ikaw ang nag sinugaling sakin..tapos gigisahin moko ngayon....

Marami pang tanong ang ibang kasamahan ni Don Jaime..lahat naman sila eh nasagot ko...at hindi nila ako pina pahiya sa harap ng boss ko at kay Don Jaime...

Si don Jaime naman..super bait..at kung alam nya na na corner ako..sya na mismo ang sumasabat..at tumitigil naman ang mga tauhan nya..kapag sya na ang nag salita...

napuna ko lang kay don Jaime...parati syang naka ngiti sakin....hindi ko ma explain kung natutuwa sya sakin o siguro naalala nya ang isang anak nya na kamuka ko...ewan ko....pero okay na yun...at least...gusto nya ako..yun ang importante sa lahat...pero..alam ko din..hindi sya ang mag decide..kung hindi yung sales agent nyang 5 at..kasama dun si demonyong boy....

inabot ng 3pm na yung meeting...naka titig pa din sakin si boy at minsan ngumingiti na parang demonyo sakin..pero hindi ko to pina pansin..bahala na sya..dyos na ang bahala sa kanya...

"okay..let's adjourn...jake..continue this tomorrow"
sabi ng kanang kamay ni Don Jaime na si Mel Cruz...

"okay sir...and thank you all for coming"
ng biglang may sumabat habang nag tatayuan na ang lahat...

" be prepared tomorrow...baka...hindi ka nanaman ready..hahahaha" sabat ni tukmol....

HAYOP!!!....sigaw ko sa isipan ko...may araw ka din sakin ......

end of part 2

No comments: