The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, June 17, 2008

CHAPTER 29 PART 2 Si Mommy

Chapter 29 Part 2 si mommy

Walang dumaan na taxi...at nag 30 minutes na...shet..no choice ako...sana wala dito si mommy..please...God..please..help me here...

Pinindot ko yung doorbell..shet..ang lakas...luma kasi yung doorbell namin yung parang bell ng iskwelahan kung recess na at kung tapos na klase....

bumukas ang ilaw sa kwarto ni mommy....shet..eto na...

nadinig ko yung boses nya..tumayo sya at tinawag yung maid para buksan ang pinto...

" chekin mo muna ..wag mo agad papasukin ha"

nako si mommy pareho pa din...takot sa mga magnanakaw...

lumabas yung maid...

"goodevening...andyan si mommy?"

"mommy?...ahhh si mom? andito po...sino po kayo"

"sabihin mo si rey...anak nya" narinig na pala ni mommy at naka silip sya sa bintana....at nag salita sya ..

"anak!...." naka dungaw si mommy sa bintana sa 2nd floor at nakikita nya ko asa labas ng gate...

" mah?" ewan ko...nung nakita ko na si mommy...tumulo nalang luha ko bigla...tumanda na itsura nya...naawa ako bigla sa kanya...tumakbo ako sa loob ng bahay..at umakyat sa hagdan...binuksan ang pinto nya..at andun sya....bigla nalang kami nag yakapan ng mahigpit...

"anak...buti nag balik ka....san ka galing anak?" umi iyak si mommy....

" mah..sori po..sori po..."

" wala yun anak..ako ang patawarin mo...hindi kita nahanap anak at napabayaan kita..."

" mahal na mahal kita mah...." habang yakap yakap ko pa din si mommy...

"anak..bakit ka lumayas sa tita mo...alam mo ba na halos mamatay kami ng daddy mo sa kahahanap sayo? at pumunta pa kami sa iloilo"

" sori po mah..sori po.."habang patuloy ang aking pag iyak...

"anak kahit ano ka man..tatanggapin kita anak..mahal na mahal kita..."

" sori po mah..sori poh.." habang huma hagulgol ako....

"hindi mo ba alam kung gano kita kamahal? kunin nako ng dyos wag lang ikaw...araw araw..nag sisimba ako sa baclaran at nag dadasal na sana eh buhay ka pa anak"

" i love you mah...I love you..hinding hindi na kita iiwan mah..."....umi iyak pa din kaming 1 ng nag lakad kami sa loob ng kwarto...umupo si mommy sa kama..at ako naman...naka sandal sa cabinet...

" anak..patay na ang daddy mo?"

"oo mah..may nakapag sabi"

"hindi ko naman kasalanan yung pagkamatay nya...."

"mah..tapos na yun....tama na..."

dahil sa alam ko na ang istorya..ayoko na sirain pa ang mga sadaling yun..at masaktan nanaman kaming 2 sa nangyari kay daddy....

"ang kuya mo naman...matagal na asa abroad..at may asawa na dun"

niyakap ko muli si mommy.....nag timpla kami ng kape...at pinakain nya ako ng sandwich na niluto ni inday...

nag kwentuhan kami ni mommy sa kama nya..tulad ng dati...ang tagal din namin nag ka hiwalay...8 taon...na kwento ko din si lola tasing..na syang nag alaga sakin nung lumayas ako...gusto daw ni mommy dalawin ang puntod ni lola..at dumalaw din daw kami sa puntod ni daddy kung may oras...

naka tulog na si mommy sa braso ko..habang hina haplos ko ang mga buhok nya...tumanda na si mommy..ang bilis ng mga oras...23 na ako...dati dati eh ang bata bata ko pa nung huli akong natulog sa kama na ito....

tinititigan ko lang si mommy mag damag...halos hindi ako natulog..gusto ko lang sya titigan....miss na miss ko sya..sobra...at bumulong ako sa kanya..

"mah...mahal na mahal kita...sori sa lahat ha mah....sana tumagal pa ang buhay mo para magkasama pa tayo ng matagal mah...." at hinalikan ko sya sa nuo...

bakit ba ako hindi bumalik nun...siguro kung wala si lola tasing...baka umuwi uli ako..at siguro hindi namatay si daddy...ang dami ko ding pagkakamali...mga maling desisyon...na hindi na pwede mabago pa....

ganun siguro ang buhay...mahal ang tuition fee para lang matuto tayo...at katumbas pa minsan ang mga buhay .....dad...sori ha...kung asan ka man....mahal din kita...bakit mo ginawa yun dad...sana andito ka ngayon..kayakap ko kayo ni mommy....dad...ipag dadasal kita..at sana tahimik ka na dyan....sabi ko sa sarile ko hanggang naka tulog nako tabi ni mommy sa kama....

kina umagahan..ginising ako ni mommy ng mga 10 am na...puyat na puyat ako at nabigla sa oras...

"shet...alas dyes na..mah..kailangan ako mag report sa opisina...kararating ko lang kahapon ehh"

"sige anak...eto kumain ka muna.."

"wag na mah..sa opisina nalang...patay ako nito...at yung boss namin..na ospital..."

shet ano na kaya nangyari kay Don Jaime..wala pa akong balita...

Nag report ako sa main headquarters..yun and instruction ni Monica...and I have to deal with the new campaign...sa conference room para daw ma orient ako sa new development nila sa bataan....

hindi nako dumaan sa condo para mag palit..kung ano ang kinatulugan ko eh..yun din ang suot ko sa opisina....bahala na..kesan naman na super late ako...

tumakbo ako sa receptionist para mag tanong kung san ako dapat pumunta...at itinuro..

"sir..sa penthouse..andun yung conference room #4"

"thnx miss..." at agad akong tumakbo....

pag pasok ko ng pinto..ang start na ang meeting...may nagsasalita....yumuko ako sa hiya..dahil nga late ako....at biglang tumahimik yung speaker.....pumunta ako dun sa bakanting upuan sa may likod para umupo...at ng biglang may nag salita...

" thank God you're here....sit here in front because the presentation is for you Mr Jake Ramos!"

tang ina..si boy pala...asa conference din....

next Chapter 30..Si boy at ako

No comments: