The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Saturday, April 30, 2011

Chapter 30 Jordan and Boy Part 3

Tumambay si Jordan sa hotel na yun at inabangan si Richard. Matindi ang galit ni Jordan kay Richard dahil sya ang pinag hihinalaan na pumatay kay Michael. Habang naninigarilyo si Jordan ay biglang syang may naisip.

Kinausap nya ang taxi para abangan si Richard. Dahil alam nya na dun lalabas ang mga guest pag check out. Nauuna ang taxi sa pila at tuwing may guest na lalabas ay hindi nya ito pina pa abante dahil naka abang lang ito kay richard. Sinabihan nya ang taxi driver na surpresahin ang isang kapatid kaya mag tatago sya sa silya pag sundo.

Ng makita ni Jordan si Richard, ay pina abante nya ang taxi. Yumuko sya sa taxi para hindi makita at ini labas nito ang baril sa bag nyang dala. Pag sakay ni Richard sa likod ay nakita nito si Jordan na Mark/Jake ang kanyang pag kaka kilala.

"jake?" pag tataka ni Richard

Nilabas ni Richard ang baril at nagsalita

"pasok!" pagalit na sabi ni Jordan

"sir..sir..excuse me sir...not allowed" nag salita ng thai english yung driver

"shut up! just follow what I tell you...move..at ikaw richard sakay! or papasabugin ko parehas bungo nyo"

Pumasok si Richard sa Taxi at umabante ang taxi...

"Jake..ano problema?" patakot na tanong ni Richard habang naka tutok sa kanya ang baril

"Gago..nag tatanong ka pa..ikaw pumatay kay Michael"

Nagtaka si Richard..

"ako pumatay kay Michael?"

"leche..ang dami mo pang sinasabi"

"jake hindi ako pumatay kay Michael"

"tangina mo eh sino?"

"honestly di ko din alam at pina pa imbestiga ko din..kasi baka ako din isunod"

"ulol..wag moko lokohin"

"jake..relax ka lang...may leads ako...makinig ka please.."

"leads ha..sige sino?"

"ang mga umali"

"Umali? diba patay na yun"

"yung anak nya...nag hire yun ng hitman na military"

"tapos? tangina mo...sige..salita"

"alam ni Sgt Genaro yan...diba..sya pina pa imbestiga mo...tauhan ko din sya"

Nag isip ng malalim si Jordan...dahil kailangan nya bumalik sa katauhan ni Jake...dahil biglang bumalik sa utak ni Jordan na dapat inasikaso pa ni Jake si Sgt Genaro...umikot ang mga mata nito..at nahilo...

Nakita ito ng driver at ang ginawa ng driver ay biglang lumiko para ma out of balance si Jordan...at ang hindi alam ng driver ay diretso pala sa ilog ang daan na yun...at nahulog ang taxi sa ilog..kasama si Jordan na naging Jake ngayon, si Richard at ang Taxi driver.

end of Chapter 30