The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Sunday, June 15, 2008

CHAPTER 23

Chapter 23

Gumising ako the usual routine..push ups...kape...music...and prepare for work....unang araw ko ngayon as manager...yun nalang ang nag paganda ng gising ko..pero kung naiisip ko yung mga kalibugan ko kagabi..sising sisi ako....

Pag dating ko sa opisina...eto si Carla..tumatakbo sakin....

" hoy jake...ano nangyari sayo kagabi"
" ahh...hahahaha..wala..bakit.."
" ano ba talaga yun ha?"
" wala..."
" wala ka dyan...motherdie?"
" anong motherdie ka dyan?"
" hay nako..meaning kahit mamatay nanay mo "
" hahahaha...may bago ka nanaman ha"
" aba sympre..baklang babae ata itong bestfriend mo noh"

"lika..bilis..inayos ko na office mo"...patuloy ni carla..

alam nyo..itong si carla...talagang napapa saya nya ako...parang kapatid na ang turing ko sa kanya...sya ang una kong nakilala sa office...at sya lahat ang tumutulong sakin....

pumasok kami sa bagong office ko...at tama nga..nilinis nya na ito....dinala ko ang picture frame namin ni lola...at ito ang una kong nilagay sa mesa ko..as advertising manager...utang na loob ko kasi sa kanya itong tagumpay ko...

"hoy...eto lahat ng files...madami yan...you have exactly less than 5 days...to prepare your presentation with don Jaime"

"teka teka...bakit sya ba mismo ang pupunta dito?...why not his own people?"

" ewan ko sa matandang yun...on hands kasi sya..lalo na..launching ng bagong product...remember ..this is a big deal"

" how big exactly?"
" wag ka mabibigla ha..." huminga ng malalim si carla....at nag salita uli

" 500 million"
"what!!"
"YES YES YO!!"
"tangina...and I have 5 days..remember carla..i need all the available billboards....current top tv and radio polls...local magazines....fuck..I need to talk to them..plus research on his product"

"okay boss..akong bahala sayo...gusto mo this afternoon na...start ka na..after lunch mga 1:30pm...kausapin natin mga billboard owners....tumbasan mo lang ng pera yan ehh...tatanggalin nila yung mga existing nila"

" don't they have a contract "
" hello...puros under the table kaya yang mga yan..kaya walang contract"
"sige..sige...start na tayo..for now...leave me alone..and put a sign in my door..do not disturb while I study the product

buong umaga ako nag kulong...at pinag aaralan ang producto....putsa..ma fire ako kapag hindi na approve ito at lumipat sa kalaban si Don Jaime...nakita ko ang mga brochures...it's a big big development...a five star hotel with a casino in mactan...plus a retirement village at the back and a shopping mall...wow..at may floating villas and restaurants pa pala...ng biglang kumatok si carla ..

"what?"
" sori boss...eto nakalimutan ko"
"what is that...sa tabi ng site...condotels"
"huh?"
"anong huh?"
"this is huge"
"VERY!...and he needs a good campaign dahil gusto ng matanda na habang ginagawa pa lang eh nakaka 20% return na sya"
"greedy talaga yang don Jaime na yan...tapos tayo pahihirapan nya or his sales people"
"oh yes...and kasama nya 5 top sales agent nya para daw makapag comment sa advertising campaign na gagawin ...at sila din mag aaprove"

" holy cow!"

lumabas si carla..at naiwan uli ako...pinag aralan ko mabuti...kung pano ma promote itong project nya...kung hindi...baka kunin nananman nila yung mga pesteng advertising firms sa manila na mga sobrang ere...sana kung puros bading itong mga sales agent...kaya ko na mag pa cute...pero..no..no..no..I should really prepare for this...and I will not let them drop a single needle in my presentation...

Nakipag meeting ako sa mga billboard owners....at sumunod naman eh mga radio sales agent to book our spots...tapos sa creative department...voice talents...models...photographers..etc etc...

Lumipas ang mga araw...halos hindi nako umu uwi...bukas..darating na yung grupo ni don Jaime....pa-plantsahin ko nalang itong presentation ko...bigla kong naisip si bernie....

"shet..wala na siguro si bernie..hindi lang man ako naka balik sa hotel nya"..sabi ko sa isipan ko...pero okay na yun...siguradong matutukso nanaman ako kapag nag kita kami...mabuti na to..babad ako sa trabaho...oh well good luck nalang sakin bukas...

tinignan ko ang picture namin ni lola...

"lah...tulungan moko bukas ha...alam ko andito ka lang sa tabi ko...love you"

end of part 1
Part 2 (the presentation)

Chapter 23 Part 2

Gumising ako ng maaga...an hour earlier..para lang wag ma late sa presentation ko...tumakbo nako papasok sa opisina..nako sana ..ayos na yung conference room..naka limutan ko ibilin kay Carla...

"jake ..jake...bilis"
"what?"
" gusto ni don Jaime dun na sa hotel ang presentation"
"what...everything is here"
" I know...tulungan kita..bilis...anyway..na move naman at 10 am..so we have an hour...to ship it there..."
"shet..sige..don't forget the projector"
"meron na daw sa hotel"
"k..fuck...carla..coffee...paki sabi bigyan ako"

para kaming tarantang taranta ni carla..buti nalang..parati syang andyan...and I might appt her siguro as my principal assistant...hala..eto kami ni Carla..lahat ng papel..nilalagay sa box....

pag dating namin sa hotel...tumakbo kami sa reception...to ask kung san naka book yung meeting namin with Don Jaime...

" sir..sa mahogany room"
"ok..thnx.."

hala..takbo kami ni carla since we have to set up the computer and the folders for them....natapos din namin ni carla lahat...mabilis din kasi kumilos itong si carla....mga hyper ventilated talaga....at coffee addict...

nag antay kami ni Carla...yung boss ko...I"m sure..hindi nya alam na nalipat na dito sa hotel ang presentation..at hindi aabot yun...nag antay kami ni carla..while sipping on our coffee na inorder namin...anyway..bayad naman yun lahat ng company...and ordering my favorite ...croissant with melted cheese..

siguro after 10 minutes..eto na...pumaosk na mga tropa ni Don Jaime...lahat naka black suit..kala mo eh mga tauhan ng men in black....ni hindi ko nga alam kung sino yung top 5 na yun....mga 10 sila..at sa huli eh si Don Jaime...yung may balbas na puti...sino ba hindi makaka kilala sa matandang yan...

anyway..buti nalang at kompleto tulog ko..at fresh na fresh ako tignan....umupo silang lahat....after the pleasantries..pakilala pakilala...blah blah blah....hindi ko na pinakinggan kung sino man yun.....or ano pangalan nila...although hindi lahat sila eh pinakilala sakin directly..since I have to connect the computer and give away the folders to them....

the usual greeting ko..

" good morning ladies and gentlemen...."

at nag patuloy ako sa presentation...na medyo ninerbyos ako....tinitignan ko yung mga tauhan ni Don Jaime..para malaman ko kung sino dun yung top 5 na mag approve..and of course..Don Jaime...tinititigan ko sya sa mata directly..para makuha ko ang attention nya....habang nag sasalita ako...may tauhan sya na nag tanggal ng salamin para punasan ito siguro para mas makita nya ko at ang presentation....napuna ko to kasi sya lang yung kumikilos sa long table....at bigla akong napa hinto sa presentation ko...

" the.....ahhhh....the budget....the budget for the billboard.....ehemm....sorry....the budget"

at nakita ko si boy....sya yung nag tanggal ng salamin..at tinitigan nya ako ng husto na parang kilala nya na ako...nabigla ako at natulala...halos nakalimutan ko ang presentation....pero tinuloy ko pa din...titig na titig si boy sakin...pero hindi tuwa ang nakikita ko sa muka nya...kung hindi parang galit....hindi ko alam kung kilala nya pa ako o hindi...wala akong alam....bakit hindi ko sya natanong kay bernie...

tinapos ko ang presentation...by that time...nag salita yung isang tauhan ni don jaime...

" excuse me...ah....we have to continue tomorrow..since don jaime will be inspecting the sight today...so can we continue tomorrow..same time"

" of course sir....yes..Don Jaime...we will" sabi ko...

nag tayuan na lahat....except si boy....habang nag tititigan kaming 2.....napuna ito ni carla..

" hoy...bakit?...kilala mo ba sya"
" ahh...hindi..."
"eh bakit titig na titig ka sa kanya....gwapo noh..crush ko sya"

"sira ka talaga"

lumapit si boy sakin....at nagsalita.....

" I think we know each other right"...putsa..ang galing na mag english ni boy..ibang iba na....

of course nag deny ako..since andun si carla sa tabi ko..at baka mabuking ako...

" I don't think so sir...would you care for some coffee or something"

" nope...can you excuse us please..." sabi ni boy..at tinutukoy nya si carla....

"carla..just wait for me outside"....lumabas si carla..dala dala ang mga gamit na iba galing sa presentation..at naka tingin sa aming 2 habang nag lalakad palabas....habang si boy naman eh titig na titig sa mata ko na parang may kasamang galit....na hindi ko alam....

No comments: