The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Sunday, May 8, 2011

Chapter 31 Mark

Lumubog ang taxi sa Chao Praya River na malakas ang agos...pero dahil sa naka aircon ito ay lumutang ito muli at tinangay ng agos. Marami ang naka kita nito habang ina agos ito sa mahabang ilog ng Bangkok Thailand. Ni report ito ng mga naka kita...at gumawa ang mga rescue team ng paraan para masalo ang taxi na ina agos.

Samantala..habang ina agos ang taxi ay parehas na walang malay ang tatlo sa taxi..ang driver..si mark at si richard. Unti unti ng pumapasok ang tubig sa loob ng taxi pero wala pa ding malay ang tatlo.

Kumalat ang balita sa buong Bangkok tungkol dito sa ina agos na taxi...maya maya pa ay ito ay na broadcast na sa mga radyo at TV...at sinusundan ng helicopter ng ABTV 1 na government run television channel. Mga ilang minuto pa din ay ito na broadcast na din sa ibang channel at lahat ng tao ay asa ilog para matanaw itong taxi na tinatangay ng malakas na agos ng ilog.

Maya maya..sa kwarto ni Isa...ay may malakas na katok...

"Isa..Isa..buksan mo pinto" si boy na nag panic na

Tumakbo si Isa papunta sa pinto para buksan at alamin kung ano ang nangyayari..

"boy bakit"

"buksan mo Tv"

"bakit?"

"nakita ko ang muka ni richard at mark"

"san?"

"bilis buksan mo" at binuksan nila ang tv..pag bukas ay naka focus ang camera sa taxi na ina agos at minsan ay nakukunan ng close up ang asa loob ng taxi para malaman kung sino ang naka sakay dito

"shet..si mark at richard yan"

"exactly Isa...pero pano sila napunta dyan? diba kasama natin si mark kanina?"

" Oo at si kuya..diba pina alis ng hotel?"

"Shet! alam ko na" sabat ni boy

"Ano yun boy"

"sinundan ni mark si richard...nakikita mo yung mga dugo sa ulo ni mark..at sa kuya mo"

"boy..mukang nag away sila...shet..hingi tayo ng tulong boy"

"Isa..ayan na lahat....buong Thailand eh nanood na..at gumagawa ng rescue"

"boy ano gagawin natin"

"Isa wala...inform natin sila Carla, si lilibeth at sila bernie sa manila"

"sige tawagan na natin...God..sana maligtas sila...Boy..." at biglang humagulgol si Isa..

"Boy...kahit galit ako kay Kuya..kapatid ko pa din yan..."

"naintindihan kita Isa..lika mag tawag na tayo...walang mangyayari kung magiging emotional tayo dito Isa"

Tumawag sila Isa at Boy sa lahat nilang kilala...sa Bangkok, Manila, Cebu at Iloilo kung san umi ikot ang mga buhay nila.

Samantala sa taxi..habang napupuno na ito ng tubig ay biglang nagising na si Mark....bumalik ang kanyang isipan sa Iloilo...ang pag sabog ng dam...at ang kanyang laban sa tubig at agos ng ilog...parang naulit ang lahat...kung san nag simula ang kanyang pag kaka watak watak ng pagkatao.

end of Part 1 Chapter 31 Mark