The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Sunday, June 15, 2008

CHAPTER 20 PART 2

Chapter 20....Part 2

Chapter 20 Part 2 ( si lola tasing)

gumising sakin eh isang matandang babae...naka tulog pala ako sa isang bangko...pero hindi ko alam kung asan ako....

"iho ..iho...gising ka" sabi ni lola...

" bakit ka natulog dito sa bangko?"
"po...ahh..ehh...asan ba po ako lola?
" lola tasing nalang tawag mo sakin..ano pangalan mo iho...nako..ayan..may dugo ka sa ilong na natuyo at katawan...napahamak ka ba iho?"

tinignan ko ang sarile ko...at puros dugo nga...at tumingin uli ako kay lola tasing para sagutin sya..

" hindi naman poh..okay lang poh ako..dumugo lang ilong ko lola"

" san ka ba galing apo?"

napa isip ako...at naalala ko na lahat na nangyari kanila tita...ang pag taboy sakin nila...at pag sisinugaling ni tito..ang pag traydor ni boy, bernie at rey...lahat bumalik...

ayoko.....ayoko ng bumalik kanila tita...at siguradong hindi nako din makaka balik sa maynila...siguradong itataboy ako nila mommy at daddy...kaya nag panggap nalang ako kay lola tasing...

" poh...hindi ko po alam lola...wala po akong natatandaan.." at bigla akong umiyak kunware..pero naiiyak din talaga ako nung maalala ko ang mga nangyari..ngayon..mag isa lang ako sa mundong ito...dati dati..pinag kaka guluhan nila ako...

"nako apo...bakit ganun..wala kang maalala"

"lola...hindi ko po alam talaga..." at humagulgol ako ng sobra..para maawa sakin si lola...naaawa yung matanda...at sinabihan ako na

" oh iho tama na...alika na sa loob...at linisan natin yung mga dugo mo sa katawan...at kumain ka"

" salamat po lola..." bigla kong naisip..teka..asan na ba ako...

" lola...asan po tayo"
"sa bayan ng San MIguel"
"san po"
"hahahaha...sa iloilo tayo iho...katabi natin ang san jose...dyan lang pag lagpas ng ilog"

napa isip ako..ang layo din pala ng nilakad ko ....at naka tawid ako sa tulay....sana wag akong ipahanap ng mga kamag anak ko or isumbong sa mga pulis...hindi ko alam kung ano gagawin nila....kung galit sila sakin..hindi nila ako ipapa hamak...

"iho..kain na...alika..samahan moko...alam mo siguro...hulog ka ng langit...."

"bakit lola"

" pinag dadasal ko sa dyos na may makasama ako sa pag alis ko papuntang Cebu"

"bakit lola..asan pala mga kamag nyo...si lolo? "

"nako..patay na si lolo mo iho...at ang ka isa isa kong anak naman...si carling eh matagal na asa abroad...sa Canada...may asawa na at anak"

" eh bakit hindi mo sila dun samahan lola..kesan naman nag iisa ka dito..at teka..bakit ho kayo pupuntang cebu?"

"nako..nabenta ko na itong lupa at bukid...tapos..binilihan ako ni carling ng parang condo ba yun,..sa cebu...parang kasama ko ata dun ehh..mga hapon daw na mayayaman na matatanda....ewan ko ba..kung ano yun...."

" ahh lola..siguro home for the aged"

" ayun....tama ka iho...pero maganda tabi ng beach...nakita ko na yung picture.."

kumain kami...at napa tigil ang aming usapan..

"iho..tapatin moko...ano ba talaga ang nangyari sayo"

" lola..pwede saka ko nalang kwento..."

"sabi ko nga ba...nag sisinugaling ka sakin iho..."

"opo lola..sorry po...sobrang sakit ho ang naranasan ko"

"naiintindihan kita iho...sige kain ka na..."

gutom na gutom ako at halos naubos ko ang sinagag ni lola at itlog...

"lola..sarap mo mag luto"
"hahaha..aba sympre apo...magaling ako mag luto..dati kasi ehh..may carinderya kami ng lolo mo.."

"lola...pwede ba po ako sumama sa inyo sa cebu"

"nako apo..tatanungin na sana kita kung pwede moko samahan talaga...alam mo apo..nalulungkot nako sa buhay ko mag isa...hulog ka talaga ng dyos"

" wow...sige po lola!!" nabuhayan ako muli...hindi ko lang masabi kay lola na hulog din sya ng dyos sakin...medyo napapa iyak ako sa tuwa..pero pinipigil ko ang pag luha ko sa harap ni lola...

" lola tasing...hindi ho ako pwede mag pakita kahit kanino..lumayas ako samin...kung pwede po..itago nyo muna ako hanggang makarating tayo po sa cebu"

" ewan ko sayo apo...pero sige...gagawin ko yan para sayo...sa tingin ko naman eh nakapa bait mong bata"

"salamat po lola"..hindi ko mapigil ang pag luha ko...tumakbo ako sa banyo ni lola at umiyak....mabait pa din pala ang dyos...ibinigay nya ko sa isang mabuting tao at hindi nya ako pinabayaan...bumalik ako sa mesa...

" apo...wag ka ng umiyak...andito nako..aalagaan kita ha? at ikaw naman...tutulungan moko sa mga gawaing bahay ha"

"opo lola...lahat ng gusto nyo ipagawa sakin gagawin ko"

"nako..itong gwapo kong apo...masipag pala"

Kinabukasan...lumuwas si lola para ibili ako ng ticket sa barko papuntang cebu....ako lang ang naiwan sa bahay...mag hapon ako nag iisip...na miss ko din si mommy at daddy..at ang kapatid kong si edmund...siguro pati sya..isusumpa na din ako..ano na kaya mangyayari sa kwarto ko..at mga gamit ko...pati mga barkada ko..classmates ko...lahat mawawala...dahil sa hayop na kabaklaan na naganap dito sa San Jose...bakit nag ka ganito....naiba ang buhay ko sa isang saglit...lahat nawala...

at ang mga hayop na traydor..si tito, boy, bernie at rey...pinag kaisahan nila ako...at lahat pang sila na gumamit sakin...tang ina nyo lahat...bata pa ako...pina pangako ko sa inyo...babalikan ko kayo...ng bigla akong napa iyak...

"tang ina mo boy!!!...minahal kita!!!" habang humagulgol ako ng iyak....si boy ang first love ko..at sya lang ang mamahalin ko sana sa buong buhay ko...hindi ko naramdaman kahit kanino ang naramdaman ko sa kanya...ngunit..yung pag mamahal na yun eh napalitan ngayon ng galit at pag hihigante....

Pagkatapos ng isang linggo...sumakay na kami ni lola sa barko...binenta ni lola lahat ng gamit nya na naiwan sa San Miguel...ang kinuha nya lang eh ang mga damit nya at mga pictures ng mga nakaraan at anak nya at mga apo nya....medyo malungkot din si lola nung sumakay kami sa barko...ma miss nya din siguro ang San Miguel..at ako naman eh mawawala na sa San Jose...isang ilog lang ang pagitan...pareho kami ni lola na naka tingin sa malayo..habang papalayo ang barko sa pier ng Iloilo....panibagong buhay...panibagong pag asa....hindi ko alam na ang bakasyon na yun eh talagang makaka pag bago ng aking buhay....

Pagkatapos ng 7 taon.....

1 comment:

Anonymous said...

naiyak ako sobra