The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Wednesday, July 2, 2008

BOOK 2 CHAPTER 6 SUMPONG

Chapter 6 - Sumpong

Naka sakay agad ng taxi si jake....at hindi na nahabol ng police para mag explika...ang asa utak ni jake eh kailangan nya maligtas sila Carla, Joseph, Michael, Monica at Bernie....na hindi nya alam eh inagos na lagpas na ang isang taon na nakakaraan.....

Binunot nya wallet nya sa bulsa...wala ....nag bunot sya ng card or atm....meron syang Atm pero iba ang pangalan na naka lagay...Mark De Guzman....tinanong nya ang kanyang sarile kung sino ito? wala syang credit card at ang pera nya lang sa bulsa eh P250 pesos....inisip nya..kung pupunta sya sa airport..wala naman sya pamasahe sa eroplano....so naisip nya sa sakayan nalang ng bapor..

"mama...sorry po..dalhin nyo nalang ako sa Negros Navigation sa pier"

"sige po" sabat ng driver...

at wala din syang cellphone at malamang eh nahulog or dinukot na ng mga pumulot sa kanya sa Makati Avenue...sinubukan nya hiramin ang cellphone ng taxi driver...

"mama...alam ko po impossible itong sasabihin ko..pero emergency lang po..makiki tawag lang po sana ako sa cellphone at babayaran ko po kayo ng 10 pesos per minuto po..kahit isang minuto lang..."

Naisip nya na matawagan si Carla or si Monica....kung buhay pa sila...or kahit si joseph....

Pag tawag nya kay Carla...switch off...dahil nag bago na ng cellphone is Carla...tinawagan nya si joseph..na memorize nya din ang number..pero..wala na din...ang last eh si Monica....nag ring......

ring ..ring...ring....hindi nasagot ni Monica dahil abala sila kay Dona Teresita na hinimatay din....sinubukan nya muli..pero wala pa ding sumasagot....buti nalang at hindi nag bago si Monica ng number at natawagan nya..dahil favorite ni Monica ang number nya...dahil ito ay may 8888 sa huli....

Naka abot sila sa Pier....at wala syang na kontak...pag baba nya sa taxi...after 3 minutes..nakita ni Monica ang miss call...tinawagan nya ito at kinausap

"hello...I've miss your call..who's this?"

"nako mom..pasahero ko....eh naka baba na at medyo asa luneta nako mom..pasakay sya ng barko..Negros Navigation"

"mama...ano itsura nya" nag hinala na si Monica..na ito yung lalaki na kinagulat ni Dona Teresita...dahil nag kwento si Carla kay Monica tungkol dun ...at medyo nga ka boses ni Jake....

"gwapo mom..at mga 5'10"...maputi..matangos ilong...kawawa nga mom..walang pera...parang na holdup"

"oh my god...it can't be!"

nag sisigaw si monica kay Carla at dona teresita....

"shet...buhay si Jake..at alam nya ang number ko!"

pagka dinig ni dona teresita eh bigla itong tumumba muli at hinimatay....

napatay ni Monica ang cellphone...para ma asikaso si Dona Teresita

"MOM!....oh shet...tubig tubig..please..."

tumakbo si JJ at kumuha ng tubig sa kusina..pati na din ang katulong..

habang pina paypayan si Dona teresita...nag usap si Carla at Monica...

"how can it be jake..ang layo na ng itsura..although may hawig..pero ang layo..at saka Monica..bakit hindi nya ako nakilala..at tumakbo lang sya?...Jake can never do that to me...he was my bestfriend Monica...shet.....why is this happening"

sa mga oras na yun...umiyak na din si Carla at humagulgol....at naiiyak na din si Monica...si JJ naman ay puros asikaso sa kanilang 3...

"nako ano ba ito...tatlo na kayong pina paypayan ko" sabat ni JJ....

"How can he know my number? Carla..how?"

"shet..hindi ko alam Monica..pero ang lakas din ng kutob ko....you know the feeling..na kahit nag iba na ang anyo or malayo..eh mararamdaman mo pa din yung taong yun...."

"same with me Carla...I know the feeling..."

"yes...but we're not sure yet...if he is really jake...ni hindi natin nakuha name nya..or where he lives or where he works"

"hindi ako titigil..I know that face...kung pwede na araw araw ako tatambay sa 7-11 eh gagawin ko...mag aantay ako...hindi naman pwede na hindi sya dun babalik...mukang galing sya sa trabaho ehh...."

"tama ka Carla...yes.. I will help you..I owe my life to Jake..and he gave me my second chance"

"same here Monica...shet...sana buhay si Jake..oh God please..."

"yes ...yes..mahahanap natin sya..let us pray"

Samantala....sa Negros Navigation....

"ah miss..may pa alis ba na bapor papuntang Iloilo?"

"nako sir..bilis habulin nyo....pa alis na..ayun oh...takbo na bilis"

tumakbo si Jake...para habulin ang barko papuntang iloilo....Dona Florentina...naka habol sya...at sumakay....bigla nyang naisip...wala syang pera pamasahe...

"tatakas nalang ako...kabisado ko itong barko na ito...pag inspection..dun ako sa upper deck pupunta..para hindi ako masita..tangina..magaling ata ako..." pabulong ni jake...

Humiga si Jake sa teheras para hindi halata..na third class lang...nag pahinga muna sya..at kapag inspection na eh aakyat sya dun sa upper deck na ka level nya na ang mga kwarto ng Captain.....

Pag higa ni Jake...nag isip sya...inisip nya kung bakit wala syang maalala...at kung bakit sya napunta sa Manila....tinanong nya ang date sa katabi nya..

"bossing..anong date na po ngayon?"

"hahaha..sumakay ka ng bapor hindi mo alam....August 28..."

"opo...naguguluhan lang po...." nagkamot si Jake sa ulo...at nahiya na mag tanong...

"bossing...2003 ba?"

"iho..niloloko mo ata ako ehh....hahahaha...ano ka ba...2004 na"

natulala si jake...ang baha ay nangyari ng June 2003 panahon ng tag ulan nun....tandang tanda nya pa....

Naisip nya si boy....galit na galit sya...

"tang ina ka boy...hindi pako tapos sayo..kahit patay ka na sa baha...eh sasaksakin ko pa din ang bangkay mo!"

galit na galit si jake.....

"hayop ka..traydor ka hindot ka!!!"

bigla nyang na alala...si tito

"sino bumaril kay tito"

nahalata sya ng katabi nyang mama...

"bossing..okay ka lang?"

"sorry po boss...medyo naninibago lang sa bapor"

"ahh...oo ..ako din ganyan dati...pero ngayon..sanay nako....kasi ang missis ko na assign sa maynila"

tumungo lang si jake....lahat ay ini isp nya at ina alala nya ang mga pangyayari....bakit wala syang maalala sa mga nangyari....

Pagkatapos ng mga ilang oras...nag salita na ang captain..na mag inspection na ng ticket..at wag aalis sa mga kinalalagyan ng mga tao....

Nag panic si jake...at umakyat agad sa upper deck....may maliit na hagdan sa gilid papunta sa upper deck....naka kalahati na sya ng akyat..ng bigla syang pinigil ng isang inspector sa baba ng hagdan.....

"boss...san po ba kayo....inspection na po kasi ng ticket"

napatigil si jake sa pag akyat....huling huli sya sa akto...

"boss...sa economy ako..maninigarilyo lang"

" ahh okay boss...pakita lang po ng ticket...kasi po haharangan na natin ito"

pag lingon ni jake sa likod..isang batang trainee na nag inspection ng ticket....

"boss asa baba ang ticket ko..naiwan ko"

"sige boss samahan kita...para makita ko ticket mo"

parang nag hihinala na din ang inspector na bata....at mukang pinag iinitan si jake....

wala ng magawa si jake kung hindi makiusap...

"boss....pasensya na....na holdup kasi ako sa maynila...at wala akong pambayad ng ticket..eto pera ko...natira eh 160 pesos nalang...eh pang taxi ko na ito dun sa opisina namin...hayaan mo boss..pag nakarating ako sa opisina namin..babayaran kita ng triple pa dyan..."

"hahahahaha...lumang palusot na yan....alika dadalhin kita kay kapitan....dun ka mag paliwanag"

"boss wag po..nakiki usap ako sayo...wag po.."

parang pinag papawisan na si jake ng buo buong pawis...at nag papanic nanaman....at nalilito sya....at hindi alam kung ano gagawin...

" hahahaha..kay kapitan ka nalang..." dinala si jake..paakyat sa deck....at nilagyan ng posas ang mga kamay.....sa isang madilim na kwarto.....

"mag antay ka lang dyan boss....tatapusin lang ni kapitan ang inspection...."

"boss...wag po..maawa po kayo" habang humagulgol ng iyak si jake.....

"nako...hindi papasa ang awa mo kay kapitan....hahahahaha....dramatic actor "

Iniwan si Jake...taranta..nag iisa sa kwartong madilim....at pinag papawisan....ang pintig ng puso nya eh dumoble....merong masamang nangyayari sa kanya...na hindi nya ma explain......

end of Part 1 Chapter 6 Sumpong...

No comments: