The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Thursday, July 10, 2008

BOOK 2 CHAPTER 13 PLANO NI JORDAN PART 2

Sinusundan nila monica at sofia si Jordan...at sinundan naman ni Jordan si Carla....

Nag lakad lang si Carla pauwi sa bagong office nya sa Jupiter kung san din sya nakatira....
Pag ka abot sa Paseo de Roxas pag lagpas ng Antique shop...ay kinausap nya ito....habang naka masid pa din sila Sofia at Monica sa likod ni Jordan....

"Carla" at biglang napatingin sya sa likod

"yes" sagot ni Carla....nung una hindi nya masyado itong namukaan kasi nga gabi..at madilim dahil sa mga puno na humaharang sa ilaw ng mga poste...

"ako yung hinahanap nyo"

"oh my God...ikaw nga" laking gulat ni Carla...

"shet...jake?"

"yes Carla" at nagyakapan ang dalawa...hindi alam ni Jordan kung aaminin nya kay Carla kung sino sya or mag kukunwari nalang sya bilang jake....napaiyak si Carla...pero walang luha na lumabas kay Jordan...kilala nya ito at naalala nya ang mga ala-ala ni Jake...pero ang kulang ay...hindi nya ito maramdaman...kailangan ay lumabas si jake sa kanya para lumabas ang damdamin nya talaga...

"shet Jake..miss na miss kita....bakit ka nawala sa airport"

hindi naka sagot si Jordan....naiipit na sya...pero marama syang plano...kung mag kukunwari pa sya kay Carla..ay madedelay ang mga plano nya....matapos ang ilang minuto na pag iisip..ay nag pasya na si Jordan...

"jake..bakit ano ini isip mo?...don't you miss me jake? nagbago ka na ba Jake?...what happened? please tell me...litong lito nako jake" humagulgol si Carla kay jake at niyakap nya ito....

"jake please....diba..ako bestfriend mo...shet...I don' wanna lose you...diba lahat sinasabi mo sakin...."

"okay" yun lang ang nasabi ni Jordan kay Carla...at binitiwan nya ito....

"we need to talk somewhere else...mahirap na dito"

"sige..dun tayo sa office ko...ay shet..since ikaw talaga ang may ari..office mo na bago jake"

Naglakad sila...at bumuntot naman si Monica at Sofia...

Pag pasok nila sa opisina..umupo si Jordan sa sofa..at si Carla sa kabilang upuan....

"Carla....I'm not jake"

"What?..what do you mean you are not jake...you are jake...diba sa eroplano..nag usap na tayo?"

"pano ko ba ito sasabihin sayo....ako si Jordan...isang pagkatao sa katawan ni jake...actually marami kami...si rey, si mark ako at si jake"

"ANO?"

"kilala ko si rey...yun ang pangalan ni Jake dati...at sino ka...Jordan ba at si Mark"

"mahabang kwento Carla..."

"Well I wanna know...shet..." at naiyak nanaman si Carla....

"Alam mo...Jake is my bestfriend....I thought he died years back...and the pain is still here...and now this is going on....do you know the pain..that keeps on coming back to me...the trauma....the tragedy...and running and living without Jake..."

"I understand you Carla...very well"

"now..tell me...."

"ako si Jordan....ang pinaka malakas sa kanilang lahat...dahil sa mga trauma ni rey..nung bata at nung lumayas sya sa san jose..at nag bago sya ng pangalan sa Cebu...hindi nya alam...na unti unti nya na ...na develop ang dual personality sa katauhan nya...."

"teka..pano mo nalalaman lahat yan kung iba ka sa kanila?"

"dahil lahat silang tatlo ay andito sa loob ko...kilala ko sila...at alam ko lahat ng nangyari sa kanilang tatlo...ako lang ang nakaka pag buo sa kanilang tatlo"

napa angat si Carla....

"teka...grabe ito ....an influx of datas...I need a drink...do you drink wine?"

"of course....red"

"tanga ko..tangina..bestfriend pala kita....of course you are jake inside..yes..red wine drinker ka....hahahahaha...at maarte ka sa wine..alam ko din yun"

"oo ..kilala ko si jake...only expensive wine.."

Lumakad si Carla..kumuha ng wine at wine glass..at binuhusan ang dalawang baso..

"cheers" at nag cheers sila..and took a sip of wine....

"teka ..ano nga uli pangalan mo?"

"Jordan"

"so Jordan...si rey, jake at sino yung isa?"

"Mark"

"yes..ay asa loob mo..."

"yes Carla"

"sabi mo..ikaw ang nakapag buo sa kanila tama?"

"Tama"

"so ibig mo sabihin...si rey...hindi kilala si Jake or hindi nya alam ginawa ni Jake?"

"meron din alam si rey tungkol kay jake...at si jake din may alam din sya kay rey..pero"

"oo..kasi sinasabi sakin ni jake na sya si rey dati"

"tama ka....binago at ipinilit ni rey na baguhin ang sarile nya sa Cebu at mag palit ng pangalan bilang Jake Ramos"

"Tama..yes..i knew him as jake"

"pero hindi alam ni rey...na unti unti na na hihiwalay ang katauhan ni jake sa kanya...dahil parang binura na ni rey ang nakaraan nya sa San Jose..."

"kaya..nag hiwalay ang rey at jake tama?"

"tama"

"magulo talaga...shet...."

"teka ...pano ka jordan...kilala ka ba nila?"

"oo kilala nila ako..pero pag nawala ako...hindi din nila maalala ang mga nagawa ko..pero ako..alam ko lahat ang nangyari"

"lahat lahat?"

"oo naman"

"sige nga...sino ang bumaril sa tito ni rey?"

to be continued......

2 comments:

Anonymous said...

fox wag mong paghiwalayin ang lovelife nina boy at rey...kasi parang magiging malabo ang story....yun lang kasi talaga ang matatawag na love at ang nasisilbing basihan ng story kung hanggang saan talaga ang pag-ibig nila...pls...pls

kRam1221 said...

dapat

DATA kxe plural n un,,....
DATUM singular...