The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, July 1, 2008

Book 2 Chapter 5 Makati-Buendia -Paseo Triangle

Chapter 5 Makati-Buendia -Paseo Triangle

Sa Makati Ave cor. Buendia (Pacific Star Bldg)

Patuloy ang training ni Mark kay boy...kailangan ma orient lahat ni boy kay Mark bago sila lumipad papuntang Germany...medyo na delay...nag reset daw yung German counterpart nila sa meeting...

Naging good buddies sila Mark at boy....hindi alam ni boy na may nabubuo na palang pag hanga si Mark sa kanya...

Sa Paseo de Roxas naman

Busy si Monica at Dona Teresita sa pag lilipat nila sa bagong bahay na nabili nila....

"Monica do you think, this is a good start?"

"Of course naman po....you are close to our office...pwede nga walking distance lang ehh...tapos..next kanto lang ang park..andyan ang rockwell...andyan lang glorietta...tapos may 7-11 dun sa makati ave and tons of restaurants"

"that's right..thanks monica for picking up this house"

"no problem mom..."

Sa Buendia naman:

"shet ang hirap humanap ng office dito ha" pasigaw ni JJ kay billy..

"sige..dun tayo banda...papuntang edsa...daan ka sa jupiter...kaliwa ka sa paseo..tapos kanan"

"okay JJ"

"aba..billy..bakit mukang masaya ka ngayon?"

"wala naman po"

"hmm...ngayon lang kita nakitang ganyan...puros ngiti sa muka"

"mabait pala si sir noh"

"oo super...aba..bakit..nagka usap na ba kayo?"

" mas higit pa po dun"

"what do you mean?"

" I mean po na pati sa pagkain ina alok nya ako"

"ahhh..okay..that's good...oo..sobrang bait yan si joseph"

habang uma andar ang kotse...eh biglang may nakita si JJ na for rent sign..pero hindi sya building..kung hindi bahay na ginawang commercial propoerty sa jupiter...

"teka...ayan!! para para!"

"okay"

"bilis...mag park ka nalang..."

Ang upa ay 150,000/month...isang malaking bahay na may office sa baba..dating furniture shop na antique...tinawagan ni JJ si Carla sa Iloilo and told her about it...

"okay JJ....sige...pa hold mo muna...until tomorrow...sana maka book ako ng flight..and I have to talk to joseph too..."

"nako boss...ang ganda...pwede kang tumira dun sa itaas..may 3 na kwartong malalaki...saka..asa gitna ka ng business activities...forget Quezon city ha...kahit dun parati nag shoot si Joseph...magulo dun....remember..I'm a Makati Girl"

"gaga ka talaga JJ..ang landi mo ....sige..I"ll fly tomorrow and check it"

"okay boss"

end of Part 1


Part 2 Chapter 5

2 Weeks after...

Nag patuloy ang kani kanilang mga buhay buhay.....Si Carla..naka lipat na din sa Jupiter/Paseo...pero iniwan nya si Michael dun sa Iloilo...gusto din ni Carla mag iba ng business venture..like chain of restaurants or spa..pero hindi pa din sya maka decide....

Si boy at Mark naman eh busy sa kanilang opisina...naka tira pa din si Mark sa Travellers Inn sa Makati Avenue...at nag prepare na sila para sa kanilang byahe sa Germany

Si Joseph naman eh busy na din sa shooting nya sa bagong nilang soap..na kasama din si Anna...samantalang nag paparamdaman pa din silang 2 ni Billy...after nung gabing yun...medyo umiwas na si Joseph kay Billy...pino protektahan din nya ang kanyang image...at nakikiramdam din sya kay Billy...

Si Dona Teresita naman eh busy din sa kanyang trabaho bilang director ng Mega Pacific at busy din sa kaka ayos ng kanyang bagong bahay kung san pina pa renovate nya pa ang garden sa harapan...

Ang hindi nila alam ay lahat sila konektado sa isang lugar na hindi lumalayo ng isang kilometro...at ang kanilang matagal na hinahanap ay andun din sa triangulong yun...

Isang gabi ....8:00pm

Sa Opisina ni boy at mark..

"boy...nagugutom ako...labas muna ako"

"oh...hindi ka pa ba uuwi?"

"hindi pa..tinatapos ko pa yung proposal natin in german..daming mali pa ehh"

"sipag naman....oo tama...kasi..aalis na tayo sa Friday...wala..hindi siguro ako gutom..ikaw nalang"

"okay..punta ako 7/11..gusto ko yung siopao nila dun"

"ok ingat ka " ikinatuwa naman ni Mark ang pag sabi ni boy sa kanya....naisip nya tuloy na

"wow..he cares...may pag asa kaya ako kay boy...hindi kaya bading din ako dati? or may asawa o girlfriend at ngayon lang ako nag ka gusto sa lalake?...ang gulo..."

patuloy na ini isip ni mark habang nag lalakad....

Sa bahay naman ni Dona Teresita:

"monica...let's go out and eat..gutom nako"

"mom...tapusin ko lang to...hindi pa tapos tayo sa mga boxes na yun ohh.."

"hay nako..baka mamatay pa tayo sa gutom nyan ...iwan muna "

"mom..busog pako..and besides..I'm on a diet.."

"ikaw talaga monica..payatot ka na nga..diet ka pa"

"oh sige...punta nalang ako sa 7/11...bili ako ng mga kailangan dito..since sarado na supermarket...and bili ako ng pagkain..."

"okay mom"


Sa Jupiter Street naman bahay ni Carla:

"JJ....bili tayo ng red wine..."

"san naman"

"bahala na..diba sa makati avenue maraming bilihan"

"oo..sige tara..ako na mag drive..."

"tara..let's bring my car"

"eh ano pa nga ba...gamit ni joseph si billy sa shooting..."

"oh...ayan...no left turn putah ka"
"ano?"

"ate..no left turn papuntang makati ave coming from jupiter"

"shet...park ka dito"

"san"

"ayan oh...parking...sa may PC express"

"okay...shet..kamuntik nako mabangga ha"

"ate...may 7/11...may cheap wine dyan..yung Carlo Rossi...220 pesos lang..masarap..ayoko na mag lakad dun ate sa Ralphs"

"landi mo talaga...sige tara pasok"

Pag pasok nila Carla at JJ...nakita nila agad si Dona Teresita namimili ng sabon....

"Mom?..oh my god?"

"Carla iha!"

"Small world...dito pa sa 7-11...hahahaha..this is JJ...the manager of Joseph"

"ahh sure..nakikita ko yan sa TV..hahaha...diba..parati kang ini-interview..oh why are you here Carla?"

"Well..we rented out in Jupiter an office also tirahan na din for expansions here in Manila"

"Oh my god...I live down there.."

"Where mom?"

"Paseo! bel-air"

"ay...grabe..we also live in bel-air jupiter....hahahahaha..magka lapit pala tayo"

Dahil sa lakas ng ingay nila...napa tingin si Mark..habang hindi maka decide kung anong siopao ang kukunin nya...Pag lingon nya...napa titig sya...parang kilala nya ang mga boses....habang tumatagal...parang tumigil nanaman ang oras....para syang nawawala nanaman....hanggang tinawag sya ng counterboy..

"sir...next na po"

nataranta si Mark habang naka tingin sya kay Carla at Dona Teresita.....

"teka Carla..Monica si waiting..she's at my house"

"ay send my regards to her po"

at pumila na si dona teresita sa likod ni Mark....

"mom..we're done na..wine lang naman" at pumila na din si Carla sa likod ni dona teresita....

"sir...wala na?" sabat ng counter boy

"ahhh....hmmm...wala na...magkano"

Biglang nataranta si Dona Teresita......alam na alam nya ang boses ng anak nya...tinitigan nya agad ang asa harap nya...pilit nya itong sinisilip galing sa likod....alam nya at nakaka siguro sya na boses ni Rey ang nadinig nya...boses ng anak nya....natulala sya...at ni hindi nya na pinansin si Carla sa likuran nya...

Pag harap ni Mark paalis...hindi napigilan ni Dona Teresita na tanungin yung taong asa harap nya...

"Rey?....rey?"

biglang nakuha ang attention ni Carla habang kausap si JJ at nag tatawanan....napalingon si Carla at JJ dun sa taong kausap ni Dona Teresita...pamilyar din ang muka...pero super talas na ng ilong at ang mata eh naging bilog na bilog na....

"sori po...mark po ako"

"anak?"

"sori po...sori mom"

"oh my god"....sabat ni Carla...

medyo nahilo si mark...at tumakbo palabas.....pag labas nya ng 7-11...imbes na kaliwa pabalik sa opisina eh kumanan sya..papunta sa travellers Inn...isang kanto pa lang ang natawid nya....eh bigla syang bumagsak at hinimatay....buti nalang at nasalo sya ng mga transvestite na tuma tamabay sa Makati Avenue...

"shet...ay ...nahimatay....puta..tulangan nyo ko girls...shet"

binuhat nila si mark....at pinaypayan...pero wala pa ding galaw si mark....dumating ang pulis...na nag trapik sa makati avenue..

"oh ano nangyayari dyan?"

"eto bosing hinimatay...wag nyo kaming huhulihin ha..wala kaming ginagawa dito sa poging to"

"wala bang kasama yan" sabat ng pulis....

"wala ehh..mag isa lang..hindi naman amoy lasing...may binili lang ata na siopao..ayan oh..yung supot"

"teka...tignan ko bulsa....." hinalungkat ng pulis ang bulsa..at nakita nila yung calling card ng Travellers Inn...

"oh dito pala naka tira yan...alika tulungan nyoko...dalhin natin yan dun"

binuhat nila ng ilang kanto lang....at pag dating sa lobby..nag tanong ang pulis

"boss..dito ba nakatira ito..eto yung asa wallet..Mark de Guzman"

"ay boss opo..bakit ano nangyari?"

Samantala....sa 7-11 pa din..eh nag ka gulo din....

Hinimatay si Dona teresita..at sinalo ni Carla at JJ...pero nagising agad...

"Carla..I know him...sya ang anak ko"

"Mom...matagal na pong patay si rey"

"Carla..that's him..habulin nyo..please..sya yun"

"nako..JJ..pano ba to"

"hatid nalang natin sa Paseo...lika buhatin natin sa driver nya..."

"tanga..tawagin mo yung driver..para tulungan tayo"

"ay oo nga pala..."

"Carla...buhay si rey...hahahahahah" habang huma hagulgol ng iyak si Dona Teresita....

Napa isip din si Carla...alam nya at nakilala nya din yung boses ni jake...saka yung "hmmm"..alam nya yun..pero ayaw nya pa din maniwala....kung buhay pa si jake..bakit hindi sya binabalikan...at bakit hindi sila kilala....

Binuhat nila JJ at ng driver...habang kasama si Carla sa kotse ni Dona Teresita.....malalim pa din ang ini isip ni Carla...alam nyang mali..pero parang may tama na sumasagi sa isipan nya....

Samantala..sa Travellers Inn....

Biglang gumising si Mark....sa laking pag ka gulat ng mga tao sa paligid nya...

"ano nangyari?" tanong nya sa mga pulis at mga naka paligid sa kanya....

"bosing..hinimatay ka..pero okay ka na..andito ka na sa tirahan mo..tinakot mo kami..kala namin mamamatay ka na ehh"

"asan ako"

"dito sa tirahan mo..ayan ang guard nyo ohh"

"san ito?"

"asa makati avenue tayo bosing...Travellers Inn"

"Makati?"

"oo bosing hindi nyo ba naalala?"

"hindi...asa Iloilo ako..taga San Jose ako...yung BAHA...MAY BAHA"

Biglang tumakbo si Mark...na naging Jake na ngayon....at sumakay ng taxi........

end of Chapter 5

6 comments:

BHOURGE said...

Grabe ka level mo si martha cecilia nakakabilib ka bro...keep up the good work..

Jedd said...

Shet! Sobrang ganda na ng story!!! Keep it up!

Jedd said...

Kapag na publish ito as a book, mamumudmod talaga ko nito ng bonggang bongga! As in! I love it! daily pa ang updates! Ang galing talaga! I admire you soooo much, foxonfire! Thank you and more blessings sayo!

Blue Unicorn said...

I very nice and entertaining read. If ever that this becomes a movie/indie film I would love to be part of it.

www.blueunicorn.blogspot.com

Fox and Jake said...

salamat sa mga praises nyo..it is very inspiring since this will be my first one to actually finish it...I had stop writing 12 years ago...and the other time I wrote was when I was 17 years old....pero the usual..hindi natapos...thanks...for pressuring me..

maricar said...

uyyy napabilib mo ako sa istorya ah ang ganda sobra