The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Friday, July 31, 2009

Chapter 29 Part Friday the 13th

Nag kaka gulo sa makati ...trapik...nag uusap si Carla at Dona Teresita habang naka convoy ang mga bodyguards nila sa kabilang kotse...

"Carla natatakot ako"

"Mam..kaya natin yan....all we have to do is to sit down and proceed with the take over..and taops na..."

"ewan ko Carla..masama ang nararamdaman ko"

"teka mam ha...driver...baba mo nalang kami sa harap ng building ha...late na kami sa board meeting..grabe trapik.....Mam....wag kayo mag isip ng ganyan...eto nga..we have our bodyguards..to protect us..."

"pano kung pag baba natin andyan na yung pumatay kay Michael"

"knock on wood..wag naman...basta mam..dapat mabilis tayo ha..pag pasok..."

"sige Carla....I won't think nalang..I'll just follow you"

"mauuna naman mga bodyguards..at may mga baril yan"

"ok....sorry ha..ninerbyos lang ako"

"don't be..well secured tayo Mam"

"nako carla...tita nalang tawag mo sakin...hindi naman kita tauahan"

"hahaha..sige..tita...of course I respect you as the mom of jake"

"tnx iha"

"oh....radyuhan mo sila sa kabila...mauna sila para ma block kami" kausap ni Carla yung driver...

"oh...dito sila sa lobby babaaba....ingatan nyo daw si Alpha" radyo ng driver sa mga bodyguards...

Bumaba una ang mga bodyguards..medyo nag ka gulo sa lobby....nagulat ang ilan na empleyado sa building kung sinong VIP ang bumababa galing sa limo nila Carla....

Lumakad ng mabilis si Dona Teresita at sumunod si Carla..habang naka block ang mga bodyguards sa kanila..at may nauna agad sa elevator...walang pinasakay na iba...at umakyat na sila sa meeting....

"thank God andito na tayo" sabat ni Dona Teresita

"Mam..this way po..andun na sila sa boardroom" sabat ni Claire na inasign ni Carla for that day...although matagal na syang nag leave dahil sa takot kay Umali...

Umupo sila Carla at Dona Teresita..magka tabi..at kaharp nila ang ibang board members...na representative ng ibang share holders..at si Don Umali

Maraming nag salita...pero ang highlight ng meeting ay ang pag take over ng Management ng grupo ni Teresita at ang grupo ni Lilibeth na sa ngayon ay may 45% stake na kung mag combine sila against the Umali's na may 30% lang as per record ng meeting nila..and the rest is publicly traded sa market which is 25%....

Ng nag salita na ang representative ni Dona Teresita to take over the management ay nag object agad si Umali

"This is absurb!...a notice to take over the management without any memorandum or notification to all the shareholders?" sabat ni Umali

"sir...that is why we are notifying the board now with the takeover..since with the combined shares of Dona Teresita and Miss Lilibeth..we have the majority controlling interest here...so I would suggest that this would be approved immediately" sabat ni representative nila Teresita

"Wait ..wait .wait..majority? but you only have 45% interest..even if you combine your assets" sabat ni Umali..na naka tayo na at namumula sa galit

"Well sir...you only have 30% stake and you are managing the company right?"

"I know..but that was approve by the majority ever since..and majority vote is 50% plus 1..so sorry..your proposal cannot be approve!"

"Sir with your permission..andito ang representative ng Kim Eng securities..who has a controlling stake of 7% in the market as per record yesterdays trading sa stock market"

"Yes and" sabat ni Umali

"They are voting for the approval of the takeover"

"No ..that can't be right"

"what sir?"

"basta....!" biglang sumigaw na si Umali..tumigil ang lahat...sa lakas ng sigaw ni Umali...at naka titig sya kay Carla and Teresita...

"tinayo ito ng Lolo ko pa..at ng daddy ko...and now me...and the next president will be my son....hindi nyo maagaw itong kumpanyang ito sa mga Umali....you freaking kabit ni Don Jaime...wala kayong karapatan sa kumpanyang ito..walang makaka agaw ng kumpanya ko!!"

huminto pa din ang lahat..at lahat tahimik..si Dona Teresita ay naka tingin nalang sa bintana...pero si Carla naka titig pa din sa kanya...at pinag mamasdan kung ano ang susunod na gagawin nya...ng biglang nag salita ulit si Umali

"Mga putang ina nyo lahat....mamatay kayo!" at biglang binunot ni Umali ang maliit na baril nya sa bulsa...at binaril agad papunta sa grupo nila Dona Teresita at Carla...

Unang binaril si Dona Teresita at tinamaan sa dibdib....nag ka gulo ang lahat at nag sisigaw....

"guard...guard..."

Pag yuko ni Carla at tinamaan ito ng bala sa balikat nya....at nahulog sa sahig...

Nag siyukuan lahat..at patuloy pa din si Umali sa pag babaril sa mga naiwan na bala...may tinamaan na secretary at isang clerk...at ang huling bala ay tinutok ulit kay Dona Teresita..na naka plakda pa din sa silya...at tinamaan ito sa pisngi...at sumabog ang dugo sa sa muka ni carla sa sahig...at sumigaw sya

"Mam!!!" at pilit na hinihila ni Carla pa ilalim si Dona Teresita....

Pumasok ang mga gwardya at bodyguard nila Carla at pinag babaril ng sunod sunod si Umali....at bumagsak sa long table ng boardroom.....

Tumakbo ang lahat palabas...nag ka gulo sa opisina ng Mega Pacific...

To be continued....

No comments: