The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, July 28, 2009

Chapter 28 The Meeting Part 2 (updated 7:20 pm July28)

Chapter 28 The meeting part 2 Book 2

Samantala sa Peninsula Hotel ay nag kita ang mata ni Boy at Jake..ngayon lang sila nag kita ng matagal na panahon..at sa tagal ay hindi na nila alam kung ano ang kanilang gagawin...

"boy" pag bigkas na mahina ni jake na may halong pagka bigla

"mark?....jake?" parehas na tono sa pagka bigkas ni boy

tumigil ang matagal ang dalawa....walang gumalaw...sumasara na ang elevator..pero hinarang ni Andrew ang pinto...habang nag tataka si Andrew sa dalawa dahil titig na titig silang dalawa....

"ahh excuse me..mag sasara ang pinto jake..papasok ba tayo o hindi?"

Pagka salita ni andrew ay biglang lumabas si boy sa elevator at niyakap si jake at hinalikan sa labi....nabigla si andrew sa kanyang nakita..pero wala syang nagawa at walang nag sasalita...

Walang magawa si jake kung hindi gumanti ng halik...andun na pinipigil nya si boy sa pagka halik dahil sa pag tangkang nito na patayin sya sa San Jose...pero ang isang kamay nya ay yumayakap kay boy...halos tumagal ng 3 minuto ang halikan nila at nanood lang si andrew....parehas nilang hindi napansin si andrew

Tinulak ni boy si jake sa dingding..ang akala ni andrew ay mag susuntukan silang dalawa...pero nagkamali sya sa kanyang akala...hinawakan ni boy ang muka ni jake at halos sipsipin nito ang labi ni jake...at bigla syang nag salita

"kahit sino ka pa man..mark, jake o rey....mahal kita!" habang hinahalikan pa din si jake....

Wala ng nasabi si jake..kung hindi sumunod nalang sa mga kilos ni boy...bumigay na din sya at yumakap na din ng husto kay boy....

"mahal pa din kita boy...tangina..mahal pa din kita" habang lumuluwa na si jake at naka dikit pa din ang kanilang mga labi....at nag patuloy ito

"wala akong ibang minahal kung hindi ikaw! diba alam mo yan...nag sumpaan tayo dun sa bukid boy" at bigla nitong tinulak si boy ng malakas na ikina tumba ni boy sa sahig na carpet...at naka titig sya kay jake..na ngayon ay puno na ng luha sa muka...

tangina ka boy!...bakit mo ginawa sakin yun? ...kahit ganun..andito ka pa din sa loob ko...pero pag tangkaan akong patayin kasama si tito...hindi ko maisip yun na ikaw yun boy"

"mine tinakot nya ko...tinakot nya talaga ako para hindi daw matuloy kasal ko kaya ko nagawa yun" sabat ni boy

"kaya binali wala moko boy?" pa iyak na sabi ni jake

"mine sorry...."

"wag moko tawagin sa ganun na pangalan....hahaha....matagal na yun natapos...matagal na boy" pasigaw na sabi ni Jake...

"pero napatawad na din kita boy...at alam ko din...niligtas moko at isinakay sa kahoy para lumutang ako boy....matagal na kitang pinatawad...at kahit kumampi ka kay Richard para kalabanin ako" pag papatuloy ni jake

"jake salamat at nagkita tayo ulit ...natutuwa ako at gumaling ka na" sabat ni boy..nag lalakad na ulit si boy papunta kay jake ng bigla itong nag salita ulit

"boy...wag muna ngayon...may sakit pa kasi dito sa loob boy...at kung ano plano nyo ni Richard sakin..matatanggap ko yun"

"Jake..kaya ako andito...dahil hindi kaya ng konsensya ko na sirain ka ulit...yun ang utos sakin ni Richard at Monica"

"Huh?..sirain ako"

"oo jake..para guluhin ka..gusto pa nga nila dati papatay yung mga kasama mo dito para bumalik ang sakit mo..or ikaw mismo patayin...para hindi matuloy yung merger"

"hayop talaga yang boss mo!.."

"jake ...wala na akong mapupuntahan...buti nakita na kita...hindi nako pwede tumuloy kay Monica...dahil yun lang ang plano ko dito..pag nag kita tayo..ililigtas kita jake...ang dami ko ng kasalanan nagawa sayo..and jake...yung sa San Jose...alam ko..tinaboy kita..pina asa kita...at hindi ko sinabi sayo yung pag papakasal ko...alam ko..kaya ka nawala sa San jose"

"na alalala mo pa pala yun boy..bata pa tayo nun diba? grabe..wala akong matakbuhan nun boy..hindi ko lang sinabi sayo..na tinakwil nako ng mga kamag anak ko nun...pero okay lang...kasi nakita ako ang anghel ng buhay ko..si Lola tasing"

ng biglang sumabat si andrew

"Jake..tago na natin muna si boy...baka lumabas si Monica"

"oo nga...lika..wag kayo maingay...andrew..kunin mo na maleta nya"

at naglakad ang tatlo papunta sa kwarto ni Lilibeth..pag bukas ni lilibeth..tinakpan lang ni jake ang bibig ni lilibeth at sabay sara ng pinto...nag explain si jake kung ano nangyari...at nakinig ng maiigi si lilibeth sa kanilang dalawa...ngayon ay mag kakampi na ulit si boy at jake...na patawad na nila ang isa't isa...

Ngunit hindi nila alam....na dinig na dinig ni Monica ang lahat sa pinto nya...humiga si Monica sa sahig..dun sa butas ng pinto sa ibaba....para madinig lahat ng sinabi ni jake at boy sa tapat ng elevator...

Tumayo si Monica at tumawag sa cellphone..

"hello Richard?"

to be continued...

No comments: