The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, October 21, 2008

CHAPTER 24 BOOK 2 CEBU PART 1-3

CHAPTER 24 BOOK 2 CEBU

Dumating si Carla sa Cebu...nag mamatyag pa din sya...sa eroplano..sa pag baba ng airport...sa pag sakay ng taxi...

Pero mukang wala naman sumusunod..habang uma andar ang taxi...ay lumilingon pa din sya sa likod..pina ikot nya muna sa Osmena circle yung taxi...bago tumuloy sa mactan...

tumuloy tuloy na sya...sa dating condo ni jake...ang tinirahan ni lola tasing....kung san nag tatago si teresita..ang nanay ni jake...ang may alyas na Claudia....

Nag madali si Carla...at tumakbo papasok...at isang katok..alam na ni teresita na parating na si Carla...at pag bukas ng pinto ay lumingon ulit si Carla sa labas...pero tahimik ang lahat...walang tao...at pawang mga tahol lang ng aso ang iyong madidinig...

Binagsak ni Carla ang mga hand carry baggage nya sa sala...at niyakap agad si Teresita..walang salita...parehas silang shock sa mga nangyari...

"salamat mam....sa lahat..." at biglang napapa luha ulit si Carla..

"Carla...ano..wag....please...kailangan natin maging matatag okay..para kay jake.." at muli silang nag yakapan...

"mam..sorry...wala akong magawa..wala akong masandalan...kayo lang po naisip ko para mamahala ...at eto...eto nangyari...si michael...si michael...hindi ko po alam kung mabubuhay ...sunog na sunog sya..hindi makilala..putol ang mga paa..kahit mabuhay sya...wala na syang pag asa..binigay nya buhay nya sa kompanya...hindi ko na alam..."

"carla..relax....please....your panicking...relax....okay...kahit mag panic ka ngayon...walang magagawa yan..kailangan natin ngayon...ay wag mag patalo...at ang una nating kalaban..alam mo kung ano carla"

"ano mam"

"ang ating sarile...ang ating emotion...ang ating determinasyon...para lumaban....ang takot...yan ang mga kalaban natin....bago natin matalo ang mga kalaban talaga natin diba?..diba Carla.." at niyakap ni teresita si Carla...sa sofa...sa sala....

"sorry...sorry....okay okay...matulog ka muna ha...here...maraming red wine dito naiwan..hindi naman ako umi inom....para ma relax ka..."

"talaga" at medyo natuwa si Carla..

"oo...dyan sa bar...diba alam mo yan ...tumira ka din dito"

"opo...andito pa pala mga wine ni jake...hehehehe....naalala ko tuloy mga inuman namin dito ni jake..."

"yan..yan ang gusto ko Carla..."

"dito...dito mam...dito kami umu upo ni jake...at nag kwentuhan hanggang abutin kami ng antok..minsan nga mam...hanggang umaga.."

"Carla...thank you...for taking care of my kid....salamat...kaya nung hinamon moko..para maging caretaker ng kumpanya nyo ni jake..hindi ako nag dalawang isip....dahil...may utang ako sayo Carla..kung wala ka...baka kung ano na nangyari kay jake ko..."

"mam..salamat din....mahal ko si jake at gagawin ko lahat para sa kanya"

"yan!...yan Carla...parehas tayo dyan..kaya dapat tayong lumaban...okay....now...eto..buksan mo na iha itong wine...hindi ako marunong"

"sige mo..ako na...alam ko kung san naka tago ang cork opener.."

"now...listen iha..kung sino man nag pasabog nun...kung si monica..o kung sino man...ang pakay nila ay guluhin tayo..ang mga plano natin..now...kung magugulo tayo..then magsasaya sila diba"

"tama po mam..."

"now..papayag ba tayo?..diba hindi"

"opo"

"now...so tutuloy natin ang plano..pero...pero Carla...mag iingat na tayo ng doble..kasi hindi natin akalain ..na lulusubin na pala tayo ng brutal ng mga kalaban natin..."

"agree po mam..kaya po..pinalipat ko na silang lahat...ng tirahan.."

"good iha...good....now..kanina...there was a heavy sell off....sa mega pacific..."

"talaga po mam..."

"yes...nag report sakin ang isang broker ko dito sa cebu..pero of course..he doesn't know me...kala nya isa akong small time investor..to help me to be informed...sa shares ng mega..."

"sino daw ang seller..."

"local at hindi foreign...meaning..taga dito...at ang broker ay 124...Kim Eng..."

"mam...diba yun ang broker ng mga Umali's"

"hindi ko alam..then why are they selling....diba dapat bumili pa sila so they can get control of their company"

"i know...bakit? eh malapit na ang stockholders meeting..and diba mam...dun nga tayo nag prepare para ma control natin...at kaya nga tayo bumibili.."

"yes..pero of course..dahil sa sumabog sa opisina natin..at kumalat sa media...kaya bumagsak din ang stock market natin..."

"so we should buy "

"yes...call the broker Carla...use 5 different brokers..ako na mag login sa online sa citisec..alam ko naman password...mag buy back tayo...para tumaas..and we can gain more control..and after the take over..mataas presyo...and we can borrow more money for other projects...that we have lined up..."

"tama mam...grabe..galing ng strategy nyo..I never thought..."

"what Carla..na dahil matanda nako..at housewife lang dati?"

"hindi naman mam...na shock lang ako sa strength nyo"

"Carla..listen..gagawin ko lahat para kay jake...kahit ibalik moko sa iskwela...pati internet..pinag aralan ko...and remember..ang tibay ng pamilya..ay naka salalay sa ina...ang ina ang mag sakripisyo..para sa kanyang pamilya...saka naman Carla...finance graduate din ako..hindi ko lang nagamit nung nagka anak nako..."

"ganun po ba mam..yes....bilib nga ako sa inyo...shock po talaga ako..."

"penge ngang wine..."

"talaga po...iinom kayo"

"yes Carla..mag toast tayo...for jake..."

"wow..sige po...mam..sana parati ko kayong kasama.."

"hmm...talking about that Carla..dumito ka muna..safe ka dito...sa Cebu....at teka...your parents are here ...visit them"

"oh shet...ay sori po..."

"see...ni hindi mo alam no...dahil sa takot mo..at pag ka workaholic mo....unwind Carla...visit them....visit your friends...taga dito ka..."

"mam...wala akong masabi...thank you po.....ni hindi ko na alam andito mga magulang ko...hahahaha..."

"okay...basta bukas...go home...and be with your parents....miss ka na ng mga yun..."

"mam...i love you love you love you....." at niyakap ni Carla si teresita...at hinaplos naman ni teresita si Carla na parang anak....

end of part 1


Part 2 chapter 24 Cebu book 2 continuation

Samantala sa Cebu din kinaumagahan…sa Shangrila Cebu…sa may beach katabi ng malaking bato…andun si Sarah at Isabel…nag kwentuhan…

“Isa…kontento ka na ba sa ganitong buhay mo..pati ako nahahawa sayo..kung san san mo nalang ako tinatangay” sabat ni sarah

“gaga…sympre..bestfriend kita…karapatan na samahan moko” sabat ni Isabel

“I mean…wala bang work in offer si Richard…sa kumpanya nyo..eh super laki kaya ng kumpanya nyo..actually milyonarya ka…pero parati kang asa beach…beach bum ka ba buong buhay mo”

“hayaan mo na ako sarah…ayoko ng magulong buhay..hayaan ko nalang si kuya Richard..tutal..sya ang lalake…kami ni mommy….kontento na sa simpleng buhay…tutal..si kuya naman ang lalake…and soon ikakasal na din sya…”

“talaga lang ha…hindi kaya hindi mo lang makalimutan si ricky?”

“wala nay un sarah….ayoko na mag mahal…pina asa nya lang ako…yun pala..pera lang…saying…pinag palit nya ako sa pera…yun lang pala katapat ng pag iibigan namin…pera…ewan ko ba…bakit ang ibang mga tao..ganun ka babaw…”

“gaga…kasi mayaman ka…pero kung mahirap ka…ang iba..pumapatay..para lang maka kain ang kanilang mga mag ina or kamag anak…”

“ganun ba yun sarah…..hindi ko talaga alam…lumaki kasi kami ganito na…si daddy…tinatago kami sa mga tao…sa gulo..sa media…kaya eto..wala akong alam…wala akong alam sa mundo sa labas…eto..naka trap ako sa mga resorts…at private resort ni daddy…buti nga andyan ka…ikaw nalang nag sasabi sakin ng kung ano ano…sarah…pano bam aging mahirap?”

“neke…pano ko masasabi sayo..hindi naman ako nagging mahirap…pero in all honestly Isa…may kaibigan akong mahihirap..I mean..middle class…you know…minsan..wala silang pera diba…and they tell me…ibang classmates ko nga…nag popokpok eh..para lang maka bayad ng tuition”

“ganun ba yun sarah?”

“oo naman….madugo Isa…maswerte ka..at hindi mo yun nararanasan”

“swerte? Maswerte ba ang ganito…yun wala kang alam sa mundo….boring nga…gusto kong maka wala…gusto kong lumayas nuon pa..lalo na nung namatay si daddy….grabe..halos nag OD ako nun sarah…hindi ko lang sinabi sayo..dahil alam ko susumbong mo ako kay mommy”

“talaga..isusumbong kita…”

“gusto kong mabuhay sarah…tama ka…parati nalang ba akong ganito…gusto kong maranasan…yung mag hirap…”

“eh di subukan mo…”

“pano?”

“eh di lumayas ka…I’m sure hindi papayag si Richard at mommy mo noh”

“baka mag wala sila”

“okay okay…pwes..mag pa alam ka..”

“nako sarah..hindi nila ako papayagan..”

“Isa..ikaw na nag sabi…sabihin mo sa mommy mo yung sinabi mo sakin….”

“pano kung ma kidnap ako or mapahamak ako”

“gaga ka talaga…yun nga ang thrill..diba…hindi ka naman kilala talaga..dahil hindi naman lumalabas sa media ang litrato mo..so walang makaka kilala sayo…”

“oo nga noh…oo..pwede sarah…”

“anong pwede”

“lalayas nalang ako…dito..dito sa Cebu…”

“teka..seryoso ka ba?”

“oo..”

“teka teka…natatakot ako dyan..kala ko kwentuhang lukaret lang ito…to past the time…”

“no…gagawin ko….para hindi mag panic si mommy..sasabihin ko..andito lang ako sa shangrila…tama!....alam mo gagawin ko…mag waitress ako dito…at ikaw ang mag register as guest…at sayo ako titira…”

“gaga ka ba..pwede ba yun..waitress..tapos dito ka titira..”

“oo nga..”

“sira ka talaga…”

“okay…sa Waterfront ako mag apply..tapos dito tayo titira..”

“tayo? Okay ka lang…hello may life kaya ako sa manila”

“sarah? “

“what”

“anong what…kala ko mahal moko .”

“oo naman…”

“so…samahan moko”

“shet….not again”

“please”

“okay…hay…tatawagan ko din nanay ko..tutal sanay na yun sayo”

“yehey…..thanks…lika na swimming na tayo”

end of part 2

Part 3

Samantala…sa Cebu City proper…binisita ni Carla ang kanyang mga magulang…patago…

“ma?...buksan nyo pinto…si Carla poi to”

binuksan ng nanay nya ang pinto….

“Carla anak….daddy…andito si Carla….pasok ka anak”

at nag yakapan silang mag ina…

“ma…” walang nasabi si Carla..yumakap lang sya ng mahigpit..at ng Makita ang daddy nya…

“dad” at niyakap din ni Carla ang kanyang daddy….

“anak…kamusta ka na…tagal mo hindi dumalaw”

“mahabang istorya dad….teka..sarado natin bintana”

“bakit anak…may problema ba?” tanong ng ina..

“ma..wala..nag iingat lang”

“ano nangyari anak….teka..kuha kita ng maiinom…”

“ma..wag na I’m okay…”

“anak kamusta ka” tanong ng ina..habang naka upo sa sala..sa sofa..magkatabi silang mag asawa..at si Carla sa isang upuan sa kabisera…

“ma..hahaha…I don’t know where to start”

“iha…andito kami ng daddy mo…mahal ka namin”

“mahal ko din kayo ma…dad..miss na miss ko po kayo…”

“so iha..kamusta ka na…diba asa Bangkok ka para tulungan si jake..kamusta na sya”

“ayun…nag papa galing pa din…” sabat ni Carla….gusto ng umiyak ni Carla..pero naalala nya pa din ang mga sinabi ni teresita sa kanya….na bumubulong sa tenga nya..

:tandaan mo Carla…kailangan sa atin mang galing ang katatagan…para kay jake:

“Carla”

“ma…sorry..may naisip lang ako…ma…”

“ano yun iha..”

“wala…ma..okay lang ako…natutuwa ako at nakita ko kayo…”

sasabihin sana ni Carla ang katotohanan..ang pag bomba sa opisina nila…ang mga gulo sa Bangkok…ang sakit ni jake…ang kanyang pag ka buntis…ngunit..naisip nya..para san pa….mag aalala lang ang kanyang mga magulang..at baka masangkot pa ito…marami…marami syang gusting sabihin…na complication sa buhay nya ngayon…na hindi na sya bata tulad ng dati….ang kanyang mga responsibilidad na hinahawakan ngayon….

“anak..wala ka bang nililihim sa amin anak?”

“ma..wala..I’m okay…kayo naman..kamusta dito” habang nag lakad si Carla sa sala..at dumiretso sa kwarto nya….

“ang kwarto ko…maayos pa din ma…” pumasok si Carla sa kwarto nya..bungalow lang ang bahay nila…tinignan ni Carla ang kanyang kwarto…ang kanyang mga stuff toys…ang kanyang litrato ng first communion…na kasama ang kanyang mga magulang…at ang picture nila ni jake…sa isang inuman…..

“Carla…okay ka lang dyan iha…pahinga ka muna..habang nag luluto ako…gigisingin nalang kita…pag kakain na…”

hindi na sumagot si Carla…humiga sya sa kama…at umiyak…at tinakpan ang kanyang muka ng mga unan nya…..humagulgol….hindi nya alam ang kanyang gagawin…na miss nya ang kanyang buhay..nung simpleng tao pa lang sya….ang kanyang mga magulang….

Pag silip ng ina…nadinig ni Carla..at nag pretend ito na natutulog na…habang naka takip ang unan….lumabas ang ina….at kinausap ang asawa..

“dad…do you think Carla is okay”

“ma..kilala mo anak mo…hayaan mo ….kaya nya yan…ganyan sya…she take cares of her own problem”

“yes…kawawa naman anak ko…” at nag yakapan sila…

Naka tulog na si Carla ng mahimbing..dahil sa pagod at puyat…sa byahe..sa problema..sa lungkot…sa mga pag subok nya sa buhay…mga pag subok na hindi sya nakaka tiyak kung kanyang kakayanin…

Nag patuloy ang mag asawa sa kanilang dating ginagawa sa bahay…luto..nuod ng tv…dilig na halaman…

Naka tulog si Carla..hanggang gabi…hindi na sya ginising ng ina nya…samantala..si teresita…asa condo…nag iisip ng malalim..asa kanyang mesa…katapat ang maraming papel….

Cebu, Manila at Bangkok…tatlong lugar…na ngayon ay konektado na…sa buhay ni Carla at Jake….
End of chapter 24

5 comments:

Anonymous said...

Hi, I do believe this is an excellent website.
I stumbledupon it ;) I will come back once again since I bookmarked it.
Money and freedom is the best way to change, may you be rich and continue to help others.


Feel free to visit my web blog - Boracay Hotels In Station 1

Anonymous said...

Нowdy јust wanted tо giνe уou
a quicκ hеads up. The wordѕ in your соntеnt ѕeem to bе гunning off the
sсreеn in Chromе. I'm not sure if this is a formatting issue or something to do with web browser compatibility but I thought I'ԁ pоst to lеt уоu κnow.

Τhe stуle and dеsign loοk great though!

Hope уou get the iѕѕue fiхed ѕoon.

Μanу thanks

Feel frеe to ѵіsit mу blog ...

Boracay Golf Course

Anonymous said...

Hi theгe colleagues, how іs the ωhole thing, and what you would like to say concerning this paragraph,
in my view itѕ genuinely remarkable designed for mе.


Check out mу web site: South Africa Flights Cheapest

Anonymous said...

What a information of un-ambiguity and preserveness of precious know-how about unpredicted emotions.


Feel free to surf to my page :: 164 Guest House Durban

Anonymous said...

Way cool! Some extremely valid points! I appreciate you writing this article and the rest of the website is very good.


my weblog ... Bali Hotel Deals Last Minute