The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Monday, October 6, 2008

CHAPTER 23 BOOK 2 ANG PAG GALING NI JAKE part 8-11

part 8

kinabukasan...Sa Jupiter...11:03 am

busy si Michael sa pag ayos ng mga papeles at pag tawag sa mga brokers..para sa take over ng Mega ...wala si bernie...at ina ayos ang ibang mga papeles...si Clara naman..asa Mega pa din sya nag trabaho...at nag spy kung ano ang mga plano ng mga umalis sa board meeting ...

Maya maya...habang nag file na papeles at bills si Michael....ay bigla nalang may maliwanag na ilaw nalang syang nakita nag mula sa bintana....

Maya maya...dumilat sya...puros dugo na ang muka nya....sumabog ang buong opisina...naka dangan sa kanya ang bubungan ng opisina sa jupiter...nadidinig nalang nya ang mga sirena ng bombera at ambulansya....hindi nya alam kung mabubuhay pa sya..wala syang nararamdaman sa kanyang mga katawan....nag dasal nalang si michael sa dyos ang nag papa alam na...na sana iligtas sya...

Unang nalaman ito ni Clara...dahil nakikita nya sa opisina nya ang jupiter street ..at natatanaw nya ang opisina...nag worry si Clara..alam nya..malakas ang pag sabog...at halos dun sa opisina nila...pero hindi ito makapag react..at baka mahalata sya...

tumawag si Clara kay michael...sa landline..pero out of service na ito...sinubukan nya ang cellphone ni Michael...out of reach din ito...lumakas ang kaba ni Clara...alam nya...na baka opisina na nga nila ang sumabog...tinawagan nya si bernie kahit inis sya dito...

"bernie..bernie..."

"oh napatawag ka mahal na prinsesa"

"bernie..may nangyari...shet..yung opisina..mukang may nag pasabog?"

"totoo ba yan Clara...pag ako niloloko mo..humanda ka sakin"

"bernie..si michael..sya andun..hindi ko makontak..hindi ako maka alis dito..nakikinig lang ako ng balita...pero mag lunch out ako agad..kita nalang tayo dun.."

"shet..seryoso ka nga....sige..kita tayo dun...ako na tatawag kay Claudia..ikaw kay Carla..sa bangkok"

"okay ..okay...nako sana..wag naman dyos ko..ano to"

"relax...clara..wala tayong magagawa.."

"eh leche..sino may kagagawan nito..bernie..ayoko pang mamatay....parang ayoko na sumama sa inyo pag ganyan..bata pako...hindi pako nakakantot ng husto..."

"anak ka ng kabute oh...pati ba naman ito..eh sex pa din naiisip mo...ako bahala...relax ka lang..."

"okay bye...basta usap tayo mamaya.."

"hoy bakla...wag kang pahahalata dun..kung opisina nga natin..baka may maka kita sayo"

"okay okay..thanks bernie...mabait ka din pala"

"oo naman..ikaw lang ang salbahe..ok..bye..tawagan mo na si Carla..."

At tumawag nga agad si Clara kay Carla sa cellphone nya..at nag tago muna sa fire escape....nerbyos na nerbyos si Clara...at halos maguho na ang kapal ng foundation nya dahil sa pawis...

"Mam...Carla....Mam...."

"yes..sino to"

"mam....Si Clara to..ay..Claire pala.."

"Claire?"

"yes mam...mam...may problema....mukang may tanim ng bomba sa opisina sa jupiter...malakas ang pag sabog..nakita ko sa office ko....at andun si michael..kasi kaka usap ko lang sa kanya sa landline...mam....baka mamatay si michael...ano gagawin namin"

"oh my god....totoo ba to Claire?"

"mam..yes....we will verify it later..magkikita kami ni bernie dun"

"okay...do it.and call me again...tell bernie..to take care of everything...and save Michael....shet...sino gumawa nito...lilipad ako dyan...pag na verify nyo na opisina nga ang sumabog...."

"okay mam...tawagan namin kayo ni bernie agad mamaya"

"bye.."

pag baba ng phone...kinausap agad ni Carla si jake....asa hotel sila..pabihis para mag lunch.....

"jake..we have a big problem"

"what Carla?"

"baka lumipad ako mamaya.."

'where"

"back to makati...may nag pasabog daw ng opisina natin?"

"ano???"

"verify pa nila bernie at claire...they will call me in 30 minutes..and michael ...si michael"

"what Carla? may nangyari ba"

"hindi namin alam jake...sya lang naiwan dun..sa opisina.."

"shet..sino may kagagawan nito"

"there's only 1 evil person i can think of...si Monica.."

"pero bakit?"

"mukang may alam na sila....kailangan plantsahin ko....change of plan tayo...dapat bilisan lahat..mag ilipat ang opisina...mukang may masama silang plano...i need to mobilize...mga tauhan natin sa makati..and get more info..kung sila nga..at kung ano ang plano nila...."

"pano?"

"ewan ko...we need spies...people..na pwedeng bayaran...para malaman natin kung sino may kagagawan nito..."

"okay Carla..ingat ka..at bumalik ka agad...."

Samantala..sa Jupiter street....

nakarating na si bernie...at nakita nya ang opisina..walang natira..pati ang katabi nitong bahay..nasunog at nasira...may mga katawan..na tumilapon sa bangketa...lahat ito naka taklob ng kumot....tinamaan ang mga dumadaan sa bangketa..pati ang nag bebenta ng mais...makikita mong nag kalat ang mga mais nya sa kalye...

nagkaka gulo..andun ang bombero...na pinapatay ang sunog..at maraming ambulansya...para sa mga sugatan sa kalye...

"sir...bernie..po..dyan po ako nag trabaho"

"oh..sergeant...eto...dito daw sya"

may lumapit na police kay bernie....si sergeant ramirez..sya ang assign sa kaso..

"boss dito tayo...so ano pangalan nyo"

"bernie po...bernie complido"

"okay bernie...may tao ba dyan sa loob?"

"boss..kailangan natin ligtas..si michael po..andyan sya"

"pero..tignan mo naman boss..mukang nasunog na yun...lakas ng apoy at pag sabog...hindi tayo makakapag rescue nyan..kailangan patayin natin muna yung apoy..pati dun sa kabilang bahay...kawawa nga"

"pero boss..pano yung kasama ko..."

'wala tayong magagawa...maya maya..tignan natin..sana buhay pa sya...pag dasal nalang natin....may kilala ka bang...kaaway nyo..o pwedeng gumawa ng ganito?"

"isa lang yan boss ...si Monica..."

"sino yang monica.."

"tuturo ko sa inyo..dyan lang opisina nya sa Pacific Star"

"at bakit naman gagawin nya yan?"

"matindi ang galit sa amin ng babaeng yun..."

"pero alam mo naman..hindi tayo basta basta..susugod na walang ebidensya diba"

"eh boss..kayo na bahala...bibigay ko opisina nya..kayo ang kuma usap sa kanya"

'sige..ako bahala dito....dyan ka muna...may gagawin pa ako...at subukan natin iligtas kasamahan mo"

"opo boss..maawa kayo..kawawa naman si michael.."

nag isip si bernie..

"shet..si michael.....kawawa...putang ina mo ka Monica..gagantihan ka namin....ikaw lang gagawa nito...wala ng iba...hayop ka!"

Maya maya..nagkita na si bernie at Clara sa 7-11..hindi na pinalapit ni bernie si Clara at baka mag wala ito sa makikita nya....sinabihan nya si clara na tawagan si carla..at sya na mag verify na opisina nga ng JRC ang tinamaan...umalis agad si Clara..at bumalik sa mega..

pag alis ni Clara...tinawagan ni bernie si Claudia....

"mam..bad news....may nag pasabog ng bomba sa opisina natin sa jupiter"

"what?"

"yes mam..at mukang si michael...mukang sya naiwan dun..."

"oh my god...why?"

"hindi ko alam...mam..ano gagawin natin?..nasabihan ko na din si Carla sa bangkok"

"grabe na to...naunahan tayo...ng kabilang kampo..somehow..may alam na sila...sige..mag usap kami ni Carla..."

"mam..uuwi daw sya mamayang hapon...agad.."

"good..sige..mag uusap kami...nothing else bernie..I just cannot trust anyone right now...bye"

binaba ni bernie ang phone....at nag alala...hindi nya alam kung ano gagawin nya..at bumalik sya...sa sunog..sa opisina....

"sergeant...kamusta po"

"yung kasama mo...andun na sa ambulansya....pare pasensya...sunog na sunog ang katawan..at naputol ang paa...nataganan ng kisame at bubong..."

"shet...Michael!"..napa suntok nalang si bernie sa puno....

"tangina..sino gumawa nito?"

"boss..easy lang..sige..andun sa makati med dinala"

tumakbo si bernie sa makati med..habang naka sakay sa kotse..ay tinawagan nito si JJ at Joseph..na asa shooting sa studio...

"Joseph..emergency..pinasabog ang opisina..at si michael..tinamaan..baka mamatay...punta ka please..sa makati med"

"what? shet..sige bernie..kita tayo dun"

at sa Studio..

"direk..direk...JJ....i have to go"

"what..may shoot ka pa..."

"emergency...pinasabog opisina namin"

"ano?" pasigaw ni JJ

"oo..like na JJ..tawagin mo si Billy..bilis"

para silang ipo ipo sa pag pack up ng mga gamit...at bilis bilis umalis...at pinalilipad naman ni billy ang kotse sa edsa..galing QC...

At sa Cebu...naka dungaw si teresita sa dagat..at nag iisip ng malalim...ng bigla nyang kinuha ang cellphone...

"Carla..."

"hay...mam teresita..did you hear what happened?"

"okay..calm down..let's not panic..."

"shet mam..eto nako..asa airport..getting my flight schedule...andito ako sa thai airways ticketing office.."

"okay..that's good..but how's jake...okay ba sya na iwan mo dyan"

"okay naman...si andrew muna mag bantay sa kanya..kailangan ko umuwi.."

"oo..dapat..at mag usap tayo sa phone..at mag plano...habang asa byahe ka..mag lay out nako ng mga plano natin..mukang naunahan tayo nila monica..."

"yun did suspetsa ko mam....thanks po sa lahat"

"wala yun Carla..I'm here to help..and let us not panic...we need to think..and not panic"

"mam..naiiyak na nga po ako..buti po andyan kayo...to guide us..."

"okay lang iha..tatagan mo..mas kailangan tayo ng anak ko right now..kailangan..tayo yung matapang...kamusta sya..nag panic ba"

"muka po..pero hindi pinahahalata...ayun..natulog ulit..ganun yun pag may problema..dina daan sa tulog pero andun si andrew...iniwan ko silang dalawa"

"mabuti naman...sige carla..usap tayo mamaya...can you escape sa cebu?"

"yes..yeah..that's a good idea....dyan tayo mag usap.."

"oo..pero wag kayo mag sabay sabay sa eroplano..maaring may naka abang na...hindi..ganito..ikaw nalang..wag mo na dalhin si bernie, joseph...ikaw nalang..at dito tayo mag plano sa gagawin natin..ingat ka lang "

"oo mam..after I fix everything sa makati..and also michael...dyos ko hindi ko alam kung ano nangyari sa kanya"

"okay..bye carla..and pag dadasal ko lahat"

"thanks sa lahat..bye"

part 9

Ng lumabas na si Carla dun sa arrival terminal ng airport para lumakad na dun sa departure area..para antayin na yung next flight ng thai airways sa manila...ay nabigla sya sa kanyang nakita...

Asa second floor ang ticketing office ng mga airlines..at dun makikita mo ang nag lalakad na arrivals..palabas sa mga taxi ang mga sundo na mga tours....

at dun...kitang kita ni Carla....si Monica...nag lalakad...may sumbrerong malaki..at mga bodyguards na anim...lahat naka amerikana na itim.....na nag bubuhat ng mga bagahe nila....

na shock si Carla...napa tigil sya..at napa lunok ng laway....

"bakit sya andito?.....ano ginagawa nya dito.....bakit andito si Monica?"

yun lang ang lumitaw sa isipan ni Carla...

tinawagan agad ni Carla si Jake sa hotel...

"jake...mukang grabe na sitwasyon"

'bakit carla..kala ko ba paalis ka na'

"oo nga..nag book ako...and guess what kung sino nakita ko dumating sa bangkok"

"sino Carla"

"Monica"

"monica?"

"hindi ko alam jake..hindi kaya nag tatago na sya dito..dahil sa pag sabog?"

"ano ba to...bakit ganito carla...kailangan..mag pagaling nako or itigil natin ito....kailangan nyo na ako"

"no jake..i'll take care of this...pagaling ka..that is important..."

"Carla...bakit sya andito...."

"i know jake...change hotel now"

"what?"

"maaring marami na silang alam jake...we need to change everything...lahat...pati itong mga cellphone natin..baka naka tapped ito....mag prepaid na tayong lahat...sabay sabay tayo...gamitin natin si andrew...alam ko..hindi pa sya kilala..and use his cell for our communication...I will throw this sim now jake..at kuha ka na ng iba..at lumipat kayo ni andrew agad...baka ipapatay ka ni Monica jake..get out"

"okay Carla...hindi ko alam ganun ako gusto ipapatay ni monica"

"jake..pinapatay mo din sya..at namatay yung mahal ni monica..si sofia..ipag hihiganti nya yun"

'what?"

"saka na yan...for now..get out of there..."

"okay..okay...kausapin ko si andrew..."

"okay...i will throw my sim now...and call you sa public phone..and I will call andrew's phone..dun ko bigay ibang details..."

"okay..bye "

"bye.."

maya maya...nag lakad si carla..naka titig pa din kay monica...na nag lalakad sa baba...at mukang aborido...


habang sa baba..madidinig mo ang lakas ng salita ni Monica..

"bruce...paki lang..bilisan...it's so humid in here...i hate this place....mas mainit pa sa manila...shet....let's go!"

maya maya..ay asa departure na si Carla..at tumawag sa public phone...tinawagan ang phone ni andrew...

"andrew...give me jake.."

"okay Carla..eto sya"

"jake..listen...use andrew..pati sa pag checkin.....lipat kayo sa Amari...malapit lang yun..."

"okay...sige..impake na kami..and Carla..thank you....and good luck..."

"jake..we need all the luck right now...even Michael"

"shet....kawawa si michael..."

"sige jake..ingat kayo...."

"bye"

Samantala...nilusob ng mga pulis ang opisina nila Richard, Boy at Monica...

"Sir...good afternoon...we are looking for Monica Madrigal"

si Richard lang ang naiwan sa opisina...

"Sorry officer..she just left for abroad..bakit po"

"well may sumabog sa jupiter street..ang JRC realty...at mukang may nag tuturo po sa kanya .."

"officer..I dont think may kinalaman si Miss Monica dyan...at she has a business in bangkok"

"and what business is that?"

"officer..private matter yun"

"I understand...kelan ba po sya babalik?"

"wala po akong alam ...kung kelan...I will inform her..just leave your calling card"

"no..I will keep in touch..andito lang ako..."

"and your name?"

"Sergeant Genaro..and ano pangalan nyo"

"richard"

"okay richard...salamat"

umalis ang mga pulis..at nag isip ng malalim si Richard...umupo sya..at naka titig lang sa isang bagay sa lamesa...

Pagkatapos ng ilang minuto....tumayo sya..at pumunta sa bintana...nilabas ang cellphone...at tinawagan si boy...

"boy...we need to talk"

"bakit richard..dito ako sa gym"

"may problema..."

"ano yun richard?"

"seems that our little miss monica madrigal is running wild...getting loose..."

"what do you mean richard"

"may nag pasabog sa opisina ng JRC realty...and kagagaling lang ng mga pulis dito....shet boy..may alam ka ba dito?"

"wala richard..ako pa..hindi ko magagawa yun"

"tangina...iinit tayo nito...sympre..tayo lang ang ituturo nila..wala ng iba...punyeta...sino ba gumawa nito?"

"pag usapan natin yan..in private richard...right now..this is not a good way of communicating..we might be tapped..."

"right...I'll see you..dun sa restaurant natin.."

"okay..10 pm..sa deli..alam ko na yun"

"bye"

end of part 9

Part 10

Nag kaka gulo sa makati med....dun kasi dinala lahat ng na biktima sa pag sabog...7 ang patay...pati yung nag bebenta ng mais...3 taga call center..na dumadaan nung panahon na yun...2 katulong sa kabilang bahay...at isang hindi pa nakikilala...dahil..nawarak ang muka...

4 ang sugatan..kasama na si Michael....hindi mo na makikilala si Michael..sunog ang buong katawan...wala ng paa dahil pinutol dun at nadaganan ng bubong..nahati ang kanyang katawan...walang malay si michael...nilipat ni bernie sa private room...at binabantayan nya...

Samantala sa lobby ng ospital..at sa emergency room...kung asan pa ang ibang nasugatan..at namatay...ay nag kaka gulo ang mga reporters....dahil nabalitaan daw nila na darating ang mayor para chekin ang mga nangyari...

Maya maya..ayan na nga si Mayor...tama nga ang sabi nila..maliit pala at medyo maiitim si mayor...at may foundation sa muka...tulad ng nauulat sa mga balita..

Pinag ka guluhan si mayor..at nag pa interview...since may balak si mayor tumakbo sa pagka vice presidente sa susunod na halalan....

"We will not let the criminals escape this time...Sobra na...puros patayan nalang...ang nangyari sa Pacific Star..ilan ang namatay...and up to now..namatay nalang yung kaso...at ngayon..pati nag titinda ng mais..nadadamay?...aba..sobra na...hindi na pwede to..not in my City...this is the business district of the country...tapos ganito..."

"mayor...ano po gagawin nyo"

"papa imbistiga natin ito...and this time..kailangan mahuli natin kung sino gumawa nito.."

"mayor...ang target daw ay ang JRC realty office..eh maliit na opisina lang naman ito...bakit po kaya"

"nako iha..wala talaga tayo alam right now..oo bakit nga ba isang maliit na opisina...at pati sa Pacific star...ni hindi natin alam kung sino ang target dun..wala namang nakawan...kung sino man ang kumikilos dyan..at na nonood kayo...tigilan nyo na ito..mahuhuli namin kayo"

"mayor...sa tingin nyo eh mga terrorist ang mga gumawa nito..para gumawa ng gulo..or mga kalaban sa politika na gusto lang pabagsakin ang pamahalaan"

"hahahaha...nako...wag tayo mag bintang...saka pano pababagsakin itong pamahalaan..eh diba bagsak na nga tayo...ano ba yan tanong mo iha...ano pangalan mo"

"Pilar po" si Pilar..isang reporter sa government controlled TV station...

"basta Pilar...mahuhuli natin ang mga yan...at ikaw ang una kong sasabihan..dahil cute ka iha"

"hehehe..mayor talaga"

"okay..okay..tama na..mag assess pa ako ng situation dito...sergeant...asan sya...Ariel..."

"oh si sergeant Genero daw..asan?"

Lumpait si ariel kay mayor para mag briefing sa mga nangyari....

samantala..sa isang kwarto...na may tv..may isang lalake..nanood ng live interview...matanda na...at naninigarilyo.....nakatalikod sa isang sofa coach...

"subukan nyo kong hulihin..hahahahaha...mga gago kayo"

Samantala...sa private room ni Michael...andun si bernie..naawa kay Michael..ni hindi nya ito matignan...parang mummy na sunog si michael..hindi mo na sya makikilala..at amoy sunog lang ang lumulutang sa kwarto...

"michael..pangako...ipag hihiganti kita...tangina nila..kung sino man may kagagawan nito..alam ko si monica...Putangina mo Monica...pinag katiwalaan pa naman kita dati..hayop ka...bakit mo ito magagawa samin..kay Michael...tangina..." umiyak si bernie..at umupo sa silya...

end of part 10

part 11

Samantalang sa Pratunam Bangkok Thailand

nag mamadali si jake at andrew..sa pag impake ng mga gamit nila sa hotel...

"okay..ayos na ba..wala na tayong nakalimutan andrew"

"ayos na naman jake..."

"lahat ba ng gamit ni Carla..okay na..pati sa banyo..mga lotion nya?"

"oo..wala na sa banyo.."

"okay..larga na...palipat nalang natin sa mga bellboy or sa hotel ang mga baggage..."

"huh? diba sabi ni Carla mag ingat..kung palipat natin yan..eh di malalaman ng hotel kung san tayo lumipat"

"tama ka andrew...salamat ha andrew...sa pag alalay mo sakin"

"wala yun..pinag bilin ka ni Carla sakin"

"pero salamat pa din andrew"

"pano..taxi nalang tayo?"

"taxi..diba dyan lang yun..sa tabi.."

"layo kaya nun...saka bigat nito..."

"eh kung mag tuktok tayo..para mabilis.."

"tama...para maka daan dyan sa mga eskinita...trapik pa naman ngayon.."

"okay..like na..baba na natin..at check out na tayo..."

"tara na...."

Pawis na pawis ang dalawa...sumakay ng elevator...at nag chek out na sa lobby..binayaran na ni jake lahat ng bills..iniwanan sya ni Carla ng cash...dollars at baht...

Sumakay ang dalawa sa tuktok..at nag pahatid sa Amari...at nag checkin....

"do you have suite...like a 2 bedroom?"

"we have sir...it is the penthouse suite..."

"okay we will take that?"

"bakit 2 bedroom jake?"

"andrew..dito ka na titira sa amin"

"huh?"

"bakit?"

"anong bakit...sinabi na sakin ni Carla...na mag work ka na sa amin diba?"

"ano.hindi pako nag oo sa kanya"

"basta...mas malaki naman sweldo"

"ahhh..sige..sige..bahala na...kasama na nga ako sa gulo nyo.."

"thanks andrew...salamat talaga..hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala ka..at si Carla asa manila ngayon"

"wala yun...oh..ayan na daw.."

"sir..room 2004"

"thanks..."

umakyat sila sa elevator...tapos checkin..ang gym si jake...sa Clark hatch...at sa sauna...nag isip sya...

"dyos ko...iligtas nyo po kami...."

Samantala..sa Manila..dumating na si Carla...nag taxi nalang sya....tumuloy muna sya sa isang hotel na dating motel ..sa pioneer st sa mandaluyong....para ma low profile sya...

Pag checkin ni Carla..tinawagan nya agad si teresita..

"mam..dito na po ako...iwan ko lang gamit....bisitahin ko lang si michael..asa hospital daw...mga midnight na...para walang maka kita...kakausapin ko si bernie, JJ at joseph...tapos tuloy nako dyan"

"pano yan Carla..hindi ka na matutulog?"

"wala na pong panahon..."

"iha..ingat ka ha...and send my regards to everybody"

"mam...don't you think kailangan na pakilala kayo"

"Carla..ano ka ba..ngayon pa...the killers are after us?"

"tama...sorry..."

"no...don't be sorry iha..alam ko..how confuse..and depress you are with all of these happening...a big nightmare"

hindi na naka sagot si Carla..humagolgul nalang sya sa phone....

"bakit po ganito mam...ang hirap..para iwan ko din si jake dun mag isa"

"iha iha...please..baka pati ako maapektuhan..kailangan natin lumaban right now at mag isip"

"sorry po mam..."

"okay...good luck sa meeting...one more thing.....one of my plan is...pag hiwa hiwalay mo silang lahat ....itago mo si bernie..joseph...jj....at ikaw....lumipat kayo...baka..kayo ang next target..."

"opo..opo..pag uusapan namin yan..."

"goodluck iha..be brave..okay..para kay jake...."

"bye"

"bye po"

pag baba...nag isip si teresita...naka upo sya sa kama...

"dyos ko...sana iligtas nyo po kami...ang aking anak...si Carla...si michael..si bernie..si JJ at joseph...ipina uubaya ko po sa inyo lahat...."

tumayo si teresita..at pumunta sa study desk nya..para ituloy ang mga plano...

Dumating ang hating gabi...at nag kita kita si bernie, JJ, joseph at Carla sa kwarto ni Michael....at dun sila nag usap..

"ano sa tingin nyo..safe tayo dito" sabat ni bernie

"tingin ko..may police sa labas" sabat ni joseph

"shet..naguguluhan ako" sabat ni carla

"welcome back Carla" sabat ni JJ

"please.please..hindi welcome ito...fuck..daming problema..."

"so ano gagawin natin Carla" sabat ni bernie

"ganito...for now...lumipat kayo ng tirahan" habang nag punas ng muka si Carla..sa ines..

"huh?"

"please guys...wala ng tanong.."

"okay..sori Carla" sabat ni joseph..

"kung tinarget nila tayo...ibig sabihin nun..lahat tayo gusto nilang patayin...kahit ikaw joseph...hindi ko alam..dahil hindi ka naman active sa JRC....pero hindi din natin masasabi..mabuti na yung sigurado....finish what you have to finish..tapos..wala ng project..mag dissappear ka muna sa showbiz...."

"what about bangkok?" sabat ni bernie

"huh...hindi din kayo pwede dun...andun si Monica...nakita ko sya...tangina...ano ba to...hay...."

"easy lang Carla" sabat ni joseph...

"si monica asa bangkok" sabat ni JJ

"yes...and I don't know kung nag tatago sya dun dahil sa pag sabog o may plano syang masama kay jake or sakin"

"gusto nya ba tayong patayin lahat" sabat ni bernie

"ewan ko bernie...for now..mag ingat tayo...tuloy pa din ang plano..now michael is out...the operations will be transferred to bangkok....dun na muna..malayo...kayo nalang taga implement dito...bernie"

"what"

"sori ha..pero..we need to hire some informants..kontakin mo si general...kung may makukuha sya...pa subaybayan mo sila richard at boy...pa bug mo ang opisina nila..telepono..lahat...pati bahay....bayaran mo maski magkano.."

"okay Carla"

"now ako na ang bahala sa bangkok..para masubaybayan natin si Monica...for now..we have an advantage..dahil hindi nya alam na we know that she's there..so medyo...out pa yang gaga na yan...and I exactly know where to find her"

"carla..pano si Claire..natatakot.."

"wag nyo muna galawin...leave her out of this...palamigin nyo sya..siguro right now..hindi alam ng kalaban na kasama sya...she'll be safe in mega...at least..ma spyan nya ang mga Umali's...."

"yes...tama" sabat ni bernie...

"what about lilibeth..was she informed of what happened"

"hindi pa Carla..." sabat ni bernie..

"okay bernie..ako na..after this kaka usapin ko sya...bernie..sorry..you have to replace michael..."

tumingin lahat sila kay michael...at naiyak si Carla..

"shet..kawawa ka naman Michael...who did this to you?"

nag punas agad ng luha si Carla at nag compose...

"anyway..bukas..mawawala ako ng ilang araw..mag usap kami ni Claudia...ang connection natin ay via the internet...sa YM...bernie..alam mo YM ko...at dun ako sasagot...or through the cell of andrew..sa bangkok..."

Umalis na silang lahat sa ospital...dahan dahan...at hiwa hiwalay sila lumabas..para walang maka sunod...si Joseph..nag tago at baka makita ng mga taga hanga at mga staff ng ospital..kaya nag disguise sa sumbrero at sunglasses....

Samantala...sa bahay ni lilibeth sa paseo....

"I know it's too late lilibeth"

"you look exhausted Carla...i know what happened already"

'how"

"it's in the news...ayoko lang kumilos..at baka mahalata ako...baka ako din ay patayin nila"

"good move mam..."

"don't call me mam...beth nalang"

"okay beth.."

"so ano plano nyo Carla"

"tuloy pa din ang merger..and we have to take over mega"

"okay....sige....tuloy natin...sino sa tingin mo may kagagawan nito Carla"

"most probably..si Monica?"

"that bitch..I knew it...anak ng demonyo yang tao na yan..."

"i know mam..ay..beth..sori"

"gusto mo harapin ko sya"

"please..wag na..and she's in bangkok"

"what is she doing there?"

"hindi ko alam..baka gusto nya din ipapatay ako at si jake.."

"talagang hayop yang babae na yan"

"ako na bahala sa kanya Carla..tutal matanda nako..."

"mam..wag nyo na ipahamak ang sarile nyo..."

"okay..okay carla..."

"so beth..low profile muna..and be careful...please.."

"I will Carla..ikaw din ingat...ha..."

"sige beth..I have another flight..."

"Carla baka ikaw naman mag ka sakit nyan"

"kaya ko po ito"

"ingat.."

"ingat din iha...bye"

Lumabas si Carla sa gate ng bahay....naka tingin si lilibeth kay Carla..pero hindi si Carla ang asa isip nya...

"hayop ka Monica...hindi mo magagawa ang pag sira mo sa mga batang ito..tulad ng pag sira mo sakin dati...sinira mo ako nuon..ikaw naman ang sisirain ko ngayon...."

"sige po" sabat ni Carla..at sinara ang pinto

"inday...inday" tinawag ni lilibeth ang katulong..

"paki sabi kay Clara bukas...i book ako ng flight"

"san mam"

"sa bangkok....bukas din...at impake mo mga damit ko...ngayon na inday"

"opo mam...ay mam..ilang araw po kayo dun"

"matagal inday...matagal.." at tumingin ng malayo si lilibeth...

"ikaw na muna bahala dito ha..."

"sige po mam....alagaan ko nalang mga aso po ."

'at ang mga halaman inday ha...yung mga orchids ko..wag mong kalimutan diligan"

"opo mam..."

"lika na sa kwarto...sabihin ko sayo mga dadalhin ko...at lagay mo na sa maleta ko..yung paborito ko.."

"sige mam"

at nag bukas ang ilaw sa kwarto ni lilibeth...maliwanag...habang si Carla naman ay asa domestic airport...patungo sa cebu...para mag usap sila ni teresita....



No comments: