The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Tuesday, October 21, 2008

Chapter 25 book 2 Si Monica at Lilibeth sa Bangkok…PART 1-4

Chapter 25 book 2 Si Monica at Lilibeth sa Bangkok…

Part 1

Dumating si Lilibeth sa Bangkok…sumama nalang sya sa isang package tour…at nilagay sila sa First hotel sa may bandang pratunam din…Natulog sila..kasi dumating na sila ng ala una ng madaling araw…Gumising sya..at nag breakfast sa hotel..kasama sa package…at sumama muna sya sa sight seeing tour na kasama din sa package….Nakita nya ang mga temples…ang jewelry store….ang crocodile handicrafts store….na pawang mga walang kwenta din puntahan…

Hindi nag sasalita si lilibeth…mag isa lang sya..tahimik…sumusunod lang sya sa tour…pero ang utak nya ay nasa malayo….

“monica…humanda ka…andito nako ngayon….”

Kinuha nya ang cellphone nya…binuksan nya….at nakita nya ang welcome note ng AIS network…

Tinawagan nya si Carla…

“Carla…hello..Carla..can you hear me?”

“yes…who’s this…”

“Lilibeth”

“hi..bakit iba ang number naka register…”

“ewan ko…I need a favor”

“what lilibeth”

“sa mga spy mo..can you retrieve some info…kung san nakatira si Monica sa Bangkok”

“why”

“wag ka na mag tanong Carla…para satin ito..trust me”

“okay….text ko sayo later…madali yan”

“okay thanks..”

Nag patuloy ang tour…na inabot na hanggang 2 pm…

Maya maya…ay nag text na si Carla…

Text: Peninsula Hotel Bangkok

Pagkahatid sa hotel ni Lilibeth…ay nag impake na ito….at tumawag sa house phone…

“operator..can you connect me ..Peninsula hotel”

maya maya..ay sumagot na ang operator…
“front desk please or reservation”

“front desk”

“yes…can you connect me to Monica Madrigal…she’s staying there right now…”

“do you know the room mam”

“no…”

“okay hold on…”

pagkatapos ng ilang Segundo…

“mam..nobody’s answering…”

“ah miss…can you tell me what room or floor she’s staying at”

“Penthouse suite..room 714”

“okay…she’s a friend of mine..do you have a vacant room beside her room”

“hold on mam..i’ll check”

“when are you checking in mam”

“today…right now…”

“okay..hold on please”

nag antay si Lilibeth…habang may ngiti sa kanyang mga muka…

“mam…yes…but it is a presidential suite…that’s the only one available…it’s right across your friend’s room…it’s $2500 per night”

“okay..I’ll take it…”

“okay..what’s your name mam….”

At nag patuloy ang pag usap ng front desk at ni lilibeth…mga information na kailangan para sa reservation….ang credit card number ..passport number…

Pagkatapos..ay nag check out agad si lilibeth at lumipat…sa Peninsula hotel…

Pag bukas ng pinto…ay kitang kita mo ang view ng Bangkok…kahit mababa ang hotel…ay maganda ang view nito…naka harap sa ilog ng Bangkok…

Tinawagan nya ang kwarto ni Monica..pero walang sumasagot…at binaba nya…naligo si lilibeth…at natulog….

End of part 1

Part 2

Pag tapos ng halos 6 hours of driving..tapos sakay sa bangka…ay nakarating na din sa border si Monica..kasama ang mga escorts nyang mga lalake…si bruce…si wayne…ang dalawa na ginamit nya na maka sex ni jake sa condo ni don Jaime..at apat pang mga lalake na bata at matatangkad din….at may mga itsura…ayaw kasi ni monica ng pangit na kasama…

“hoy bruce…asan na yung general….puntahan mo na..tapos yung mga baril…bayaran mo..”

“sabi ni Richard..dito daw natin meet..sa terminal….”

“leche..ano pangalan…pagud nako ha…”

“basta daw naka uniform yun…”

maya maya..ay may lumapit na isang sundalo..na naka uniporme…

“you…this way….”

“me?” sabat ni bruce

“yes..general here…to meet you”

“oh ayan..na…sundan natin”

“hay..kadiri dito…” rekalamo ni monica…

tumuloy sila sa isang parang warehouse…na malapit sa terminal..na hindi kalayuan…maraming container sa loob ng warehouse…

“hi…I’m general Yuki…and who is Monica?”

“me…I’m here general” at lumapit si Monica…

“nice meet you Monica…ahh..me not good English…so wat you need”

“ we need guns…silencer type…powerful ones”

“ah we have that…u know I love Philippine…plenty money all the time”

“hmm..you met plenty Filipinos?”

“yeah…hahahaha…one is a senator….”

“senator?”

“hehehe..don’t say ha…but he buys lots of heroin…drugs..”

“what’s his name….”

“ahh..won’t tell…secret…”

“secret ha”

“yeah..he might kill me..if I say…”

“okay…bruce…kunin mo na kung ano kailangan natin..at umalis na tayo dito….”

Nag isip si Monica…

“senator ha….alam ko na kung sino sya...hmm…kaya pala maraming pera yung ugok na yun…”

Kinuha nila ang baril..binalot sa bag..at dinala ni bruce at mga kasama nya….at bumayahe na sila…pabalik sa Bangkok…babyahe sa changmai..at lilipad patungo sa Bangkok…ang hindi alam ni Monica..ay binigyan ng libreng opium ang mga bata nya…balato ni general….

“wayne…may pang happening na tayo nito”

“ayos yan bruce…kailangan natin yan..pagod nako…pag dating natin sa hotel..inom tayo…saka yan…”

“oo..masaya to…”

end of part 2

part 3

Inabot din ng halos 12 hours ang byahe nila Monica…pare parehas silang pagod lahat..ng dumiretso sa hotel…ang mga bodyguards..sila bruce..ay tumira sa dalawang kwarto…3 sa bawat kwarto..at magkasama si bruce..at si wayne…sa isa..at si jonathan…

gumising ng maaga si Monica...at kinatok ang mga boys nya...

"hoy..ano ba...gising na...ako ang amo at nauuna pako sa inyo...mga batugan...hoy" habang kina kalabog ni Monica ang pinto...

Binuksan ni bruce ang pinto nya...naka hubad ito...

pag bukas..pumasok agad si monica sa loob..

"tang ina..ano to...lahat kayo naka hubo...nag dala ba kayo ng babae dito kagabi"

"monica..hindi na namin kailangan ng babae..." pa antok na sabi ni bruce..

"bagay nga kayo dito...city of badings....kayo kayo..nag papatusan...hala..sumunod na kayo sa lobby...sa buffet breakfast...at bilisan nyo bruce...ayokong pinag hihintay ako..mga leche kayo"

"alright boss"

at sinara agad ni monica ang pinto..at tumuloy sa lobby...and as usual umupo si monica kung san sya ang centro ng attraction...dun sa daanan at gitna ng restaurant sa lobby ng hotel....ayos na ayos si monica ng mga oras na yun...super pula ng lipstick...make up..at naka banat ang buhok...at naka formal na damit...gusto nya maramdaman ulit...ang kanyang pagka aristocrata....

"coffee please...brewed...thank you dear" sabi nya sa waiter...ni hindi nya na inantay mag salita ang waiter...

tumingin tingin si Monica...pina panood ang mga tao..at sabay irap..kung hindi nya ito type..or mukang walang pera....pag higop nya ng kape habang naka tingin sa malayo...

"well well....look who's here?"

nanlaki ang mata ni Monica...hindi sya maka pinawala sa kanyang nakikita....

"Lilibeth?"

"yes...hahahahahaha...nakaka bigla ba..small world noh...hahahaha"

hindi nakapag salita si monica...shock na shock sya...nag halo ang kaba at takot....

"what are you doing here?"

"wala....wala akong magawa sa pera ko...alam mo na..yung minana ko kay Jaime...ay...don jaime..para sayo..since hindi ka naman naging kabit diba...secretarya ka lang pala..."

"excuse me..I was his executive assistant..and not a secretary"

"whatever!" at biglang umupo si Lilibeth sa tapat ni monica..pero mag kaiba ng mesa...

"look...whatever your plan is for being here...it won't work"

"what plans....nag shashabu ka ba executive assistang..pwe!"

"how cheap! shabu...hindi man lang downers or cocaine"

"bakit..can you afford cocaine Monica...diba..walang pinamana sayo si Jaime...ako..eto...walang magawa...gusto kong lustayin..ang mga pera...pera...p-e-r-a na pinamana...p-i-n-"

"tumigil ka lilibeth....oo..maswerte ka at pinamanahan ka..na dapat naging akin..."

"do you want to me to finish my spelling?"

"enough" biglang tumayo si monica..

"waiter...i'll transfer"

lumakad si monica..at lumipat...at ng nilipat na ng waiter ang kanyang coffee ...at lumakad at sumunod din si lilibeth...

"can i sit here dear?" at umupo ulit sa tapat ni monica...

"what do you want lilibeth..."

"want? I don't need you Monica...I'm just here...gusto ko...sa tabi mo...masama ba yun...bakit do you own this hotel? diba hindi..and for sure..you cannot afford it...since you are just a mere employee right?"

"well...honestly..I don't care...sige..umupo ka dyan..at mag sawa ka sa katitingin ng kagandahan ko...ganda na wala ka"

"okay lang monica...basta ako..minahal..minahal ni jaime..at ubod ng yaman....yaman at pagmamahal monica....na walang wala ka!" pasigaw at taray ni lilibeth...

hindi na sumagot si monica..at kumuha na ng pagkain...sinabayan pa din sya ni lilibeth....sa pag kuha ng buffet breakfast....

"jesus...what do you want lilibeth"

"wala...enjoying monica...enjoying my money...and just hang around you"

habang pagalit naman na kinukuha na ni monica ang mga sausages at itlog..and fruits....at ng hind na nakapag pigil si monica...ay binato nito ang tinapay sa mesa

"fuck...listen lilibeth..alam ko galit ka sakin...at wala akong paki..kung hindi ka pinakasalan ni jaime...but stay away!"

"bakit puta puta...sa yo ba itong hotel...ang alam ko hindi...at pwes...susunod ako sa yo kung gusto ko"

"for what...ano ba kailangan mo...kung pera..wala ako.."

"sympre..alam ko wala kang pera...kaya kitang bilhin ko gugustuhin ko..at pwede kitang ipatapon sa hotel na to right this minute!"

medyo nag titinginan na ang mga tao sa lakas ng boses ng dalawa....at ng naka halata silang dalawa...ay tumahimik sila at bumalik sa mesa nila..para kumain....

Naka simangot si monica..kaharap ni lilibeth..samantalang si lilibeth..ay ngumigiti kay monica na pang asar....at ina alok pa ito ng saging...

maya maya..ay dumating na din ang mga bodyguard ni monica...at natuwa sya..dahil may panlaban na din sya kay lilibeth sa wakas...

"guys...fill out those chairs..dito kayo umupo...para ma koveran ang mga pangit na view"

"mam..kulang ang upuan"

"tonto!! eh di kunin nyo yung mga silya..ayan ohh...hay...mga bobo"

Umupo ang mga bodyguard...at nag taas nuo si Monica..pinag yayabang nya ang mga bodyguards nya kay lilibeth...

"I'm scared.."

"mam bakit" sabat ni bruce..

"bobo...hindi kita kausap...tumahimik ka dyan"

"bakit Monica..ilan sila" at binilang ni lilibeth ang bodyguard...

"wow..anim....nakaka takot ba?" sabat ni lilibeth

"mam..ina away ba kayo ng bruha na yan"

"tumahimik ka bruce...ano ka papatulan mo ang isang matandang babae na panget..waste of time yan"

"bruce...oo nga naman...kasi..isang kalabit mo lang sakin...eh ipapatay kita...right here..kaya kahit lalake ka..hindi kita uurungan"

Nag patuloy ang irapan ni Monica at Lilibeth sa lobby....

"guys..let's go...mag kita tayo ulit...mga 1 pm..lunch..dito ulit sa lobby..and don't let me wait on you..maliwanag ba?"

"yes mam"

pag akyat ni Monica...sa elevator sa 7th floor..ay akala nya na nawala na sa landas nya si lilibeth...pag lakad nya pa lang ng konte...ay bumakas agad ang isang elevator...

"oh shet...hanggang dito susundan moko...ha..ano...gusto mo kong patayin"

"relax dear...hindi kita papatayin....masama yan...ikaw ha...hindi ka nag babasa ng bible...sabagay....alam ko yun...na ibang libro ang binabasa mo....playboy...hahahahaha"

"hayop ka Lilibeth...may araw ka sakin...." lumakad si Monica papunta sa kwarto nya..at nabigla sya ng sumunod si lilibeth sa kanya...

"what? ano susundan moko sa kwarto..."

"hahahahaha....bakit naman...sorry...hindi ako pumapatol sa mga tibo na tulad mo"

"hayop ka!" sigaw ni Monica...

at nag sabunutan silang dalawa sa hallway ng 7th floor...napunta sila parehas sa sahig...at nag patuloy ang pag sabunot at pinag sasampal ni lilibeth si monica sa muka....at pinag pupunit ang damit nito....nagulo ang buhok at ayos ni monica..at lumabas ang pagka pangit na itsura nito..kumalat ang mga make up at eye liner nito...maya maya..ay nakita sila ng hotel staff....at pinigilan silang dalawa...at hinila......

"hayop ka lilibeth...hayop..."

"hayop ka din..hindi pako tapos sayo..."

"get out...get out of this floor....you bitch....get her out of here...please...now!!!" nag sisigaw si monica...

"mam...she stays here"

"what?" at nabigla si Monica....

"she is staying at the presidential suite"

"hahahahahaha.....ano...monica..pahiya ka nanaman....ikaw kaya paalisin ko ngayon...hahahahaha...you cheap trump...lesbian whore"

"ahhhhhhhhhhh.." sumigaw nalang si monica at pumasok sa kwarto...

"it's okay...thanks.."

"is everything okay now..." sabi ng hotel staff kay lilibeth..

"yes...i'm okay..." at pumasok na si lilibeth sa kwarto nya....

parehas silang tumawag sa telepono agad...

si Monica..tinawagan si Richard...

"richard..."

"what monica"

"you won't believe what happened"

"what"

"Lilibeth is here...and Richard..she's stalking me" habang uma arte si Monica na umiyak at para kaawaan ni Richard..

"Monica..sino si Lilibeth"

"yung kabit ni don jaime...yung board ng mega....remember her...kabit ng tatay mo...ipag higanti moko richard please.."

"monica...how can I..at saka diba..may alalay ka dyan"

"mga walang silbi naman yung mga yun...leche"

"monica..I'm busy here..teka...may kinalaman ka ba..sa pag sabog ng JRC office sa jupiter?"

"huh? what?....wala..."

"tangina monica...kapag nalaman ko...na may kinalaman ka...you're fired......hayop..ngayon...ini imbestigahan tayo..at lalo na ikaw..pinag hahanap ka...ikaw ang suspect"

"what?...Richard..wala akong alam!!"

"tell that to the marines...bye!"

at binagsakan ng telepono si monica ni Richard...at binagsak din ni Monica ang phone

"fuck!!....ahhhhhhhhhhhhhhhhhh" sumigaw si monica sa kwarto....

Samantala..sa kabilang kwarto...si lilibeth..asa telepono...

"yes...I will need 10 ...I want big bulky men...who will watch me 24 hours a day"

"alright mam..we will send it to you right away"

"thanks.."

tumawa ng malakas si lilibeth...

"umpisa pa lang ito Monica....umpisa pa lang..."

Nag ayos ang dalawa sa kanilang mga kwarto na ingrande...

Maya maya...ay lumabas na si Monica..para mag lunch...postura ulit si Monica...at nabigla sya sa kanyang nakita....sa tapat ng kanyang pinto...andun ang sampung lalake...na malalaki katawan...na nag babantay sa harap ng pinto ni Lilibeth....

Napa titig sya..at napa hinto...at tinanong nya ito....

"excuse me...are you waiting for me or something"

nagulat nalang si Monica ng biglang bumukas ang pinto ni lilibeth...

"For me dear....meet my new bodyguards...10....sampu...diyes....haha hahahaha" at tumawa ng malakas si Lilibeth....

biglang tumakbo si Monica sa elevator..at nag mamadali...at natakot..bumaba sa lobby..para meet ang kanyang mga bodyguard.....at habang tumatakbo..ay lumilingon sya sa likod...na takot na takot...

"tangina nyo..asan ba kayo" ng nakita nya ang sila bruce sa lobby..

"mam..diba sabi nyo..1 pm..sa lobby..kaya andito kami"

"si lilibeth...hayop..may 10 na bodyguard..at mas malalaki sa inyo....shet!!!"

"mam..kayang kaya namin yun"

"gago...eh kayo kayo nga...nag tsutsupaan ..gago!..ano laban nyo dun...mas malalaki katawan nila...hay...."

nagkamot nalang ng ulo si Monica at nawala sa composure nya..maya maya..ay bumakas ang elevator...at lumabas ang 10 bodyguard ni Lilibeth...ayos na ayos ang postura nya...at naka titig nalang sa kanya si Monica....

"lika na...kain na tayo....bwisit na buhay to....bakit pa dumating yang babaeng yan..."

Pag upo ni monica..kasama mga bodyguard nya sa mesa...ay umupo naman si Lilibeth..ulit sa tapat..kasama din ang bodyguard nya...

"waiter...we need a longer table...for 11...we cannot fit on that table..that's only good for 8 people..and we're 11 right?"

"okay mam..we will fix and add another table and chairs for you.."

"thank you dear" sabat ni Lilibeth..

habang naka tingin naman si Monica na asar na asar kay lilibeth.....ngunit wala syang magawa..alam nya..na mas mayaman sa kanya si lilibeth..at maraming pera...

Maya maya..hindi naka tiis si Monica..at nag parinig kay lilibeth..

"hay...mga noveau rich nga naman...pag nag ka pera...lumalabas pa din ang pagka manol" sabat ni Monica..

"hay ewan ko din...ang mga social climber...hangang climb ng climb nalang....hindi na naging social....and If I were you dear...pwede ka sumali.....sa SOCIAL BINGO..hahahahahaha....at least...madudugtungan na din ang pag ka social mo....climber?..hahahahahahaha" malakas na tawa ni Lilibeth....

"bruce..nawalan na ako ng gana...nasusuka ako dito...kayo nalang kumain....papa hatid nalang ako ng lunch sa kwarto...."

"bye...I'll be waiting Monica....hay..sarap ng maraming pera....poor girl...you can't say the same thing...ohh...pity me...."

umirap si Monica..at lumakad papunta sa elevator...at umakyat sa kwarto...

"oh kayo..ano tini tingin tingin nyo dyan?"

biglang nag yukuan sila bruce....at mga kasama nito...

Pagkatapos kumain...ay may naisip si Lilibeth...

Nilapitan nya si bruce...sa upuan nito...habang katatapos lang kumain ni bruce..

"bruce right? can I sit down"

"sige mam...dito po"

"hmm..magalang.....let me get straight to the point"

"yes mam...mas mayaman pala kayo kay mam Monica"

"di hamak iho...empleyada lang ang kasama nyo...well...ganito...diba wala naman kayong kontrata dyan kay Monica..or kay Richard kayo nag work"

"nako mam...wala...pina patawag lang kami ni monica..kung may sideline..eto nga walang sweldo..basta libre lahat...pagkain, hotel at eroplano"

"ganun ba...pwes...bibigyan ko kayo ng tig 50,000...plus...ako na sasagot ng hotel nyo....at pag balik nyo sa pinas...kung lilipat kayo sakin"

"aba mam..okay po yan....sige po...pare..50,000...pare...tiba tiba tayo."

"okay yan pare...tangapin muna..sungit naman nung bruha na yun...si Monica"

"good....okay...you will join my men...lahat kayo.....notify Monica immediately...and I will transfer your room..okay...eto....30,000 baht...in the meantime..mag goodtime muna kayo.....after notifying Monica...good day"

inabot ni Lilibeth ang pera...at umalis..kasama ang 10 bodyguard na thai....

"ahhhhh...wow pare....swerte....tanginang Monica yan..bahala na sya sa buhay nya...tanginang tomboy yan...yehey..pare..lika na....shopping na tayo...."

"lika pare...notify na natin si Monica"

Pumunta sila sa kwarto ni monica na kasalukuyang nag siesta....kumatok sila sa pinto.....

"mga hayop! ano yun..natutulog ako...pinatawag ko ba kayo..diba hindi...mga bobo!"

"mam"

"ANO YUN!"

"mag resign na kami sa inyo"

"ANO?"

"lilipat na kami kay mam lilibeth...libre na lahat..may sweldo pa....may breaktime pa...bahala na kayo sa buhay nyo"

"hoy...hoy..." tinawag ni Monica ang mga bodyguard sa hallway..pero hindi na ito pinansin nila bruce...

"mga putangina nyo...hindi nyo ko pwedeng iwan dito...isusumbong ko kayo kay Richard....BRUCE..tangina...bumalik kayo.....hoy"

hanggang naka sakay na ng elevator sila bruce..pababa..para lumipat ng kwarto....

"shet...shet...what is happening....mga hayop...susumbong ko kayo kay richard"...nataranta si monica....

"hindi maari ito...shet..pano ang mga plano ko...shet..." habang nag dial ng telepono si Monica..

"hello..hello....richard?"

"what again Monica"

"yung mga bodyguards ko..nag walk out...binili ng putanginang lilibeth"

"look here Monica...hindi kita pinapunta dyan..para lang guluhin moko dito at magsumbong ka na parang bata...diba mga tauhan mo yan..wala akong paki alam dyan...bwisit"

at binagsakan si Monica ng telepono ni Richard...

"hayop!....hayop!!!!" nag wala si Monica..at ginulo nya ang kanyang buhok.....

nadinig ni Lilibeth ang sigaw ni Monica na napaka lakas...at tumawa lang ito....ng biglan nag ring ang house phone..

"mam...there is a certain bruce here..and they are charging a room in your account"

'yes..they're with me..give them 2 superior rooms..."

"okay mam...thank you"

Part 4

Pagkatapos ng tawag ni Monica...ay nabwisit na ng husto si richard...nagkakamot ng ulo.....habang naka upo sa mesa nya sa opisina nya....at naka titig sa pencil sharpener sa mesa.....habang nag iisip

"boba talaga itong si Monica...palibhasa matanda na...hindi marunong gumawa ng paraan...old school...tangina...sayang lang pera ko...pano ko masisira itong grupo nila jake....bakit ang lakas ng hatak mo jake...lahat ng mahal ko...ina angkin mo...ang tatay ko...at ngayon si boy...minsan lang ako mag mahal ng lalake...tapos kahati pa din kita....tang ina..."

tumayo si Richard sa mesa....at nag lakad..

"palpak si monica..at eto kami dito ..ini imbistiga...pano....think asshole...."

nag lakad pa din ng nag lakad si Richard sa opsina nya....

"ano ba makaka sira kay jake...kahit patayin namin yung doctor...kukuha pa ng ibang doctor yung gago...dapat..permanent damage...yung magugulo sila na less damage ...less resources....hopeless si Monica..."

Lakad pa din ng lakad...parang hindi mapakali si Richard....

"ano..richard..think....ano ang sisira kay jake....ano ang weakness nya...."

lakad...lakad......

"fuck....ano ba to....ang sagot...andito mismo sa opisina ko...hahahahahaha...bobo mo talaga richard!...shet!!! bobo!!!!...tangina...oo nga..bakit hindi ko naisip...."

nag madali si richard....lumabas ng pinto...at kina usap ang secretarya nya....at masaya na pumunta sa CR...umihi..at nag ayos...nag hilamos..para maging fresh ang muka....at habang asa CR mag isa....ay kina usap nito mag isa ang sarile sa salamin..

"you're smart dude..." at kinurot nya ang sariling pisngi....at lumabas na sya....

pag balik ni Richard sa opisina nya..ay andun na si boy..

"oh san ka galing....ano yung something urgent...pinatawag mo daw ako" sabat ni boy

"oo" sabat ni Richard

"well.."

"you're going to bangkok"

"What? are you out of your mind?"

"no"

tumayo si boy...at nag tataka

"bakit?"

"diba...yan ang gusto mo naman....makita ang love of your life"

"what...I don't get you Richard..ano pumasok sa kokote mo..diba selos na selos ka dun..and now..ikaw pa ang gumagawa ng paraan..eh ako nga...umi iwas na para makalimutan ko sya"

"well napag isip isip ko boy....why avoid it...pwede naman confront mo din naman diba?"

"tapos?"

"kausapin mo si jake...at itigil na nila ang take over ng Mega Pacific...and probably convince him to do a merger with Metro Corp..with us...joint projects....imbes na awayin natin....convince him boy...to be a part of us"

"ahhh...ganun...gagamitin moko....and pano ...pano kung mag kalapitan kami ulit ng loob..naisip mo na ba yun? pano ka?"

"pano ko?....hmmm..bakit boy...na angkin na ba kita?"

hindi naka sagot si boy...at yumuko lang..at lumingon sa bintana....

"alam ko..kahit anong gawin kong tumbling dito....yung puso mo asa kanya pa din..diba...I might as well accept it diba...."

"totoo ba yang sinasabi mo...naninibago ako sayo Richard...hindi ikaw ito...seloso ka sobra...tapos ganito"

"boy...ganito...Monica just gave me a call....she is a fucking disaster in Bangkok...pati bodyguard nya...nabili ni Lilibeth"

"sinong lilibeth"

"yung kabit ng tatay ko...yung pinamanahan din ng share of stocks ng mega pacific...who owns 15%...I think they are merging boy....that would be a major disaster for us...with jake's brain kapag gumaling sya...for sure...they will take over the industry....our days will be numbered...."

"wala akong masabi Richard..so you are willing to sacrifice your emotions for business sake..ganun ba?"

"tama..ganun...tinayo ito ng tatay ko..ng lolo ko..and now me...ayoko mawala ito boy....ayoko mabura ang pangalan namin dahil lang sa isang jake na ewan ko kung sang lupalok nang galing"

"ini insulto mo ba ako Richard..don't forget...the person that you're talking to came from the same background...mga ilonggos kami..."

"sorry boy..no offense...so..will you accept it?"

"sige...gusto mo ehh..hindi naman kita mapipigilan"

"whowwww.....ako? or talagang gusto mo..."

"tigilan moko Richard..like you said..it's work.."

"yes...work...so prepare to leave tomorrow...I'll take care of everything..."

"so wala ka ng kailangan sakin..."

"wala na..you can go...goodluck boy"

"thanks.." at ni hindi ito lumingon kay richard....

lumakad ng mabilis si boy....at tumuloy sa CR....biglang nag hilamos si boy....at tumingin sa salamin....at pag harap ni boy sa salamin...ay namumula ang kanyang mga mata...at uma agos..ang pinag halong tubig na galing sa gripo...at luha....

"jake.....jake....." yun lang ang kanyang nasabi.....

maya maya..sa opisina ni richard..ay tumawag sya sa telepono....

"Monica...."

"salamat naman...at tumawag ka..."

"drop all your plans..."

"what?"

"yes..drop it...don't kill or do anthing...may bago kang assignment"

"what richard...and hopefully hindi nako pupunta sa border para bumili ng baril"

"this is easy Monica...a task that you're good at"

"really...SPEAK!"

"pina punta ko dyan si boy"

"what?"

"yes....it's only him..who can destroy jake..."

"yes..and then...pano kung mag katuluyan yung dalawang yun...."

"so..wala akong paki...basta masira lang si jake....gusto ko mag focus sya sa lovelife nya ulit...at maka limutan nya ang mga business plans nya....at lalo syang ma baliw"

"hahahahaha....iba ka din talaga richard..teka ano pala gagawin ko"

"make sure...mag ka in laban sila....and after...alam mo na...siraan mo ang isa't isa...pag selosin mo...para mag away....I'm sure..madali yun para sayo"

"hahahaha...of course dahlin....ako pa! easy dear....oh..ang datung ko ha...I need to shop..and may concert dito sa hotel si Bocelli....aattend ako..and I need a gown...Versace gusto ko...."

"tangina Monica...ang gastos mo naman"

'ano..gusto mo o hindi"

"sigesige...bitch ka talaga"

"of course..that's my nick dear...Miss Bitch...don'tyou forget it..hahahahaha..bye"

at lumakad na si Monica sa lobby....palabas....

at si richard...naka ngiti ang dalawang tenga pag baba ng telepono....

Kinagabihan...mag isa si boy sa kwarto..hindi maka tulog....naka titig lang sa bintana...pero iba ang asa isip nya...habang tumutugtog ang component nya...

Pagdating ng Panahon

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin

Alam kong di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin Hahanapin din

Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y
Maging tibok ng puso mo

Sana nga'y mangyari 'yon
Kahit di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin
Pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailang
Nangangarap kahit di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin

Di pa siguro bukas
Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon.

Continuation of part 4

Kumuha ng wine si boy..habang basa ng luha ang pisngi nya at namumula ang mata....lakad sya ng lakad sa kwarto...habang..hinahanda ang mga damit sa kama..mga dadalhin nya para sa bangkok....

Minsan..tititig ulit sya sa bintana...at mag iisip..iinom ng wine...tapos lakad ulit...at kukuha ng damit...at pag bunot ng mga t-shirts nya...sa ilalim ng cabinet...nahugot nya ang isang shirt....medyo luma na at kulay blue....

Napaiyak sya ng husto...at niyakap ang t-shirt na medyo maliit na sa kanya....inamoy nya ito....naalala nya....ito ang shirt na suot nya...ang parati nyang suot sa probinsya...ang suot nya ng lumabas sila ni rey...at na nood ng sine...at nung nag yakapan sila sa bukid...para sabihin ang kanilang nararamdaman....at huli sa lahat..ito ang suot nya...bago mag baha....ng iligtas nya si rey sa baha...ito lamang...ang natira pagkatapos ng baha sa San Jose..na inakala nyang kinamatay ni rey....kaya itinago nya ito....naalala lahat ulit ni boy....ang una nilang pagkikita...sa bakuran ng bahay nila...

"rey...jake...mark...kung sino ka na ngayon....iisa ka lang sakin....tangina..bakit hindi pa din kita malimutan...shet!" at sinuntok ni boy ang dingding habang hawak pa din ang shirt nya.....

"alam mo rey....pag nag kita tayo sa bangkok....ito ang susuot ko...para hindi moko makalimutan" habang umi iyak si boy sa kama at kausap ang sarile...at niyakap ulit ang shirt sa muka nya....at pinampunas ng luha....

end of part 4


7 comments:

alvinefix26@gamil.com said...

hay its getting more exciting....i love reading the srory...nakaka adik....hehehe at least hindi lang puro sex....may substance namn and the story is really great.... brilliant!,,,,,thnaks fox and jake

arsa_26@yahoo.com said...

hi fox and jake! grabe ang ganda ng buk nio! pinagpupuyatan ko yan dito sa london khit may work ako the nxt day,,,. cia n ngyn libangan ko d2, sa boring ng buhay ko d2. tnx talaga 4 making this kind of buks... ask ko lng po, kelan ang nxt posting mo nung nxt chapter..? adik n talaga ako sa story,,. khit sa work, icip ko mkauwi agad to read your book.. excited n ako sa susunod n mngyayari sa buhay nina jake and boy, grabe! pls update me, here is my email add; arsa_26@yahoo.com. hope to hear from you guys soon.. tnx and more power sa books nio...

Fox and Jake said...

thanks...guys sorry..medyo bumagal ako lately sa pag update..medyo busy ako sa work ko...and of course yung meltdown..medyo I have to do some work

Anonymous said...

Hello! I'm newbie in Internet, can you give me some useful links? I know only about Yahoo [url=http://yahoo.com]Yahoo[/url] http://yahoo.com Yahoo

maricar said...

grabe ah dalang dala ako sa istorya . buhay na buhay .andyan yung kikiligin ako , biglang malulungkot sobrang thrill daming eksena ng istorya nd nakaka boring sobrang brilliant naman ng mind ng author vow tlga ako

maricar said...

grabe ah dalang dala ako sa istorya . buhay na buhay .andyan yung kikiligin ako , biglang malulungkot sobrang thrill daming eksena ng istorya nd nakaka boring sobrang brilliant naman ng mind ng author vow tlga ako

Anonymous said...

Hi Fox and Jake,

ANG GANDA! SOBRA! Yung tipong gustong gusto-ko'tong chapter na'to pero at the same time naiinis ako ng sobra dahil sa mga plano ng punyaterang si Monica at Richard na yan. Saka feeling ko yung nagpasabog ng JRC ay isa sa mga Umali's ahh basta! Kung sino man yun naiirita ako sa kanya. Pati na rin kay Boy. Kinikilig ako kapag ineexpress niya yung feelings niya para kay Rey pero naiinis din kasi talagang siya yung susi para masira talaga lahat-lahat ng pinaplano nina Carla. Hay, ngayon lang talaga ako naging ganito ka apektado ng sobra-sobra sa isang novel. Napakahusay ng pagkakasulat hindi siya yung tipikal na M2M story, one of a kind ang PNB. Ngayong 2016 na, sana matuloy na ulit ang paga-update sa kwentong to dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag natapos ko na yung ilang natitirang updates/chapters na meron ang PNB na hindi pa rin natatapos. Thank you sa pag sheshare mo ng talent mo saming readers! Maraming salamat! God bless and good luck on your career :D

-pedrohinada