Nag iisip si Claudia..sa kanyang kinalalagyan..isang matahimik na lugar..malayo sa lahat..malayo sa mga gulo at kapahamakan…duon ay Malaya syang nakakapag isip..malawak ang tanawin…kita mo ang dagat…hanggang maabot ng iyong mata…at palubog sa kurba ng mundo…
Ini isip nya si Jake…si rey….si Carla…at ang mga kasamahan nito…pinag dadasal nya ito na sana ay maayos na din ang lahat…at matapos na ang maitim na naka lipas na bumalot sa kanilang mga mundo…
Gumagawa si Claudia ng feasibility study..gamit lang ang internet at server sa opisina ng JRC realty…na may full access sya…
Inisip ni Claudia…na bakit pa pag lalaruan ang stocks ng Mega Corp..kung pwede naman nitong ma angkin ang kumpanya na nag hihigapos na sa mga utang nito..at lalo itong hindi makaka bangon kung patuloy nilang pag lalaruan ang stocks nito sa stock exchange at kusa nilang ibabagsak ang presyo nito…malamang ay mag declare ito ng chapter 7 na bankruptcy sa mga creditors…
Maraming cash ang JRC realty…mula sa mga na simulan na ni jake at carla sa Iloilo pa lang…at mga lupain sa San Jose na up to now ay hindi pa din nabebenta…at mga kita sa pag benta ng stocks ng Mega Corp..
“mali ang strategy ni Jordan at Jake” bulong nito sa kanyang isipan…
May malaking salamin na naka tutok sa harap ng mesa ni Claudia kung san sya nag tatrabaho…at tinignan nya ang kanyang sarile sa salamin…andun na ang mga kulubot nya sa muka..inisip nya ang kanyang mga nakaraan..ang bawat kulubot ng kanyang muka ay katumbas ng mga maraming pangyayari sa kanyang buhay…
Pero..titigil sya..dahil maiisip nya ang dapat nyang gawin..ang iligtas si Carla, si Jake at ang kanilang kompanya…at mag papatuloy sya sa kanyang pag iisip….sa kanyang mga plano….
Minsan..ay mag titimpla sya ng kape..lalabas sa balconahe..kung asan matatanaw mo ang dagat….palubog ang araw…at makikita mo ang ulap..na huling nasisinagan ng araw bago syang tuluyan mag laho…isang ikot nanaman ng mundo…lulubog ang araw..at sisikat ulit bukas…at panibagong kabanata nanaman sa ating buhay…
Naisip ni Claudia…na para tayong mga lauran..mga tauhan sa isang palabas..matutulog sa gabi..at sa umaga..at mag i-inarte tayo muli…kung ano man ang drama natin na ginagampanan…kanya kanya…at hinahanap natin ang ating mga sarile..kung san tayo lulugar…san tayo liligaya..or kung kaya pa natin mag tiis sa ating kinalalagyan….
At meron naming iba…paluwas sa ibang bansa…naiisip nya..na sa mga oras na yun..meron nag iimpake ng mga damit..para iwan ang kanilang mga pamilya..ang kanilang kinalakihan..para mag sugal sa ibang bansa….at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak at pamilya…titiisin ang mga sakit ….mag arkila ng sasakyan patungo sa airport…at dun…mag iiyakan ang mga batang maliliit…ang kanilang anak na taon bago nila Makita muli….at masayang ang mga oras na hindi nila makaka piling ang pag laki..at pag lakad ng kanilang mga anak..at hindi nila magagabayan sa mga pahamak na kanilang mararanasan sa araw araw….
Ngunit wala silang karapatan tumanggi …minsan…ang tao ang napapako sa isang sitwasyon na wala syang magagawa or sadyang pagod na sya tumanggi sa mga pag subok na pumapalo sa kanya ng binibigay ng dyos…
Nag patuloy si Claudia sa kanyang malalim na pag iisip..habang naka tingin sa malayo..at nag sip ng mainit na kape….
“dyos….asan ka…andyan ka ba….bakit ganito ang mundo…maraming pag subok….kailangan maraming masaktan..marami ang masusugatan…si jake…si jake…kawawa sya…bakit ganyan karaming pag subok ang binato nyo sa kanya”
Medyo napaluwa si Claudia…
“simple lang naman ang pangarap ko….alam mo yan” habang kausap nya ang dyos…
“pero bakit nagging komplikado…bakit nagging ganito…sana nagging ordinaryo nalang kami…at hindi dumanas ng ganitong mga pag subok….pero sige..sige…ikaw ang boss diba..alam mo lahat..at kami..hindi namin alam…sana..bigyan mo din ako ng lunas..ng konting ilaw…at tulungan na maging matatag…”
Bumalik si Claudia sa kanyang mesa..sa harap ng computer..na may kaharap na malaking salamin sa sala…at nakita ni Claudia ang kanyang mga mata…ang kanyang sarile..at dun nya nalaman…na marami pa syang dapat gawin….at kailangan sya ng maraming tao sa ngayon…at wala syang oras at panahon para kaawaan ang sarile…at nag patuloy sya sa pag type sa computer..
Eto ang na plano nya…
1. take over mega corp…and expand into retirement resorts..instead of condo units in metro manila….push marketing in Japan..or have a Japanese tie-up….same thing with China and Singapore…and later on..Euro countries like Germany, Norway, Sweden, Finland, UK and France..
USA will not be a good market..since they are close to Mexico which is cheap as the Philippine prices…and of course other countries in Central America..plus the islands of the Carribean…
2. Open up convenient stores…a lighter version of 7-11 which will replace the sari sari store in the ordinary neighborhood…of course it will follow the same concept of 7-11..well lit up store..with POS..neat looking..but smaller in size…and obtain low cost rentals…open up at least 100 stores in metro manila..then open up for franchise…list in the stock market for funding…to expand in metro Luzon..then visayas..and last Mindanao…
3. Open up a Rural bank which can appropriate loans to farmers, vendors and small businessmen…
4. Buy up a Government Tv network..and use joseph..to promote it…which will offer alternative and intelligent programming….which will benefit the viewers…
5. Developed rental properties in Metro Manila..mostly commercial spaces…like developing large warehouses and convert them into lofts with restaurant/bars concept.
6. Outsourcing of multimedia services to clients in Australia and US…like web design, video editing, autocad, architectural design, interior design and programming…
7. Invest in cyberspace presence..use the TV network..and develop sites …like interactive magazines…books, chatrooms, auction sites…
Eto pa lang ang papa approve ni Claudia sa board…for approval…mga dalawang lingo nya din itong pinag isipan…
Live Interaction with the Author - Fox
Wednesday, September 3, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
sino pala itong cluadia?
Post a Comment