The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Monday, August 17, 2009

CHAPTER 29 THE MEETING PART 5

Kinabukasan sa Kwarto ni Jordan at Andrew...

"jake..may sked tayo kay Dr. John Ralph"

Lumingon si Jordan sa higaan...at medyo antok pa..si Andrew naman..nag babaka sakali na bumalik si Jake sa kanyang tamang pag iisip..pero sya ay nabigo

"ako pa din si Jordan andrew"

"ok..sorry Jordan"

"wala yun..anong apt?"

"check up mo..I mean para kay jake"

"ahh...alam ko yan...alam mo andrew"

"ano yun Jordan"

"alam mo...pwede kong hindi ituloy itong pag gagamot kay jake..at ako ang maiiwan...pero alam mo kung ano pumipigil sakin?"

"ano Jordan"

"ang pangako ko kay Carla...na ibabalik ko si jake sa kanya"

"mahal mo si Carla no?"

"Oo mahal na mahal"

"Jordan...eto hindi nako takot sayo..may tanong ako?"

"sige...ano?"

"since lahat kayo ay bumubuo sa pagkatao ni ..teka.sa inyong apat o lima.."

"oh tapos andrew..tuloy mo"

"ibig sabihin..may parti kay jake na talagang minahal nya si Carla at hindi lang si boy"

"hahaha....oo naman...hindi naman baklang bakla si jake....ako ang pagka lalake nya..kaya ako lumabas sa kanya...ako yung matapang..ako yung desidido sa lahat..kung sinabi ko ..ginagawa ko yun andrew...ako yun...at sa ngayon..ako lang makakapag ligtas sa kanilang lahat..."

"ano pinagako mo kay Carla?"

"na hahayaan ko na sya...para lumigaya sya..at hindi ko na sya guguluhin..at ipa uubaya ko na sa kanya si jake...mahal nya si jake andrew..at hindi ako"

"pero iisa lang kayo"

"oo pero ako hindi...si jake hindi...mag kaka hiwalay kami na asa isang katawan..nakukuha mo ba andrew?"

"alam mo..field ko yan..pero pati ako naguguluhan na din" sabat ni andrew at nag patuloy sya

"ni hindi ko nga alam kung bakit ko kina kausap ang isang personality lang ni jake"

"wala kang magagawa andrew..you have to deal with me...kay jordan..ako...jordan"

"since alam mo ang lahat Jordan....ano ba ang nangyari kay jake..sa inyo? bakit kayo dumami?"

"hahaha...mahaba...maraming pinag daanan si jake...aksidente..mga trauma sa buhay..kaya kami lumabas...alam mo andrew..hindi lahat ng tao swerte....may mga tao na hindi nila alam kung bakit ehh..nasasabak sa mga pagsubok na higit pa sa iba..at eto ang lumalabas..kami..mga depensa para hindi masira ang pag iisip ni jake...ano kala mo andrew ikaw wala kang ganyan...meron ka din..hindi lang malala..minalas lang si jake..kaya naging ganito.."

"hindi pa kasi na kwento sakin ni jake ang lahat ng storya nya..kasi nga parating may gulo na nangyayari...walang katapusang problema...at yan..pati ako..nasabak na sa gulo"

"hahahaha andrew...natatawa ako sayo..."

"bakit naman jordan"

"kasi lumalabas pag ka bata mo"

"eh talaga namang bata pako."

"ulol..hindi ka na bata..25 kana"

"ay..murahin bako?"

"lika na..ma late na tayo..ano bang time apt natin"

"11 am pa naman..."

"pwes..bihis na "

Nag abang ng taxi si Jordan at Andrew papunta sa clinic ni Dr. John Ralph....pero ang sumalubong sa kanila ay mga pulis at partol ng pulis....at may naka taling yellow sa perimeter ng clinic..walang pwede pumasok....nag taka si Andrew..pero si Jordan..parang bato at walang pakiramdam

"Sir..what happened..we have an appt and we are late" tanong ni Andrew sa Pulis

"No..you cant enter...."

"why sir?"

"there's killing" sagot ng pulis na nag pipilit mag english

"huh? who?"

"Doctor Ralph"

"What?" pabigla na sagot ni Andrew

End of part 5

3 comments:

dyor said...

Ganda ng story, nakakainip na mag hintay ng susunod na pasubok kine Jake, saan ba talaga sya babagsak, kay boy, kay joseph or kay carla

charmedwishes said...

wow buti na lang at nadiscover ko tong blog mo. mukhang mag-eengjoy ako magbasa dito. hehehehe. keep up the good job!

charmedwishes18.blogspot.com

Anonymous said...

hi. binasa ko po to magdamag, binitiwan ko muna mga cases and codals ko. hehe. sobra naman po nakakalungkot na po yung story na. sana magtagal naman na masaya muna sila jake at boy. mas maganda po feeling pag kinikilig sa kanila eh. hehe. ambrutal na po kasi eh. andami na namamatay.