The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Friday, May 15, 2009

CHAPTER 27 Part 1 BOOK 2

Bangkok: Peninsula Hotel

Tahimik na tahimik ang lahat habang nakikinig sila kay Andrea bocelli sa concert nya sa loob ng Peninsula Hotel sa Bangkok.

Naka upo si Monica sa harap at naka gown na all white na binili nya sa Versace. Wala na syang kasama since nag resign na lahat ng bodyguard nya. Bighani na bighani si Monica habang nakikinig sa boses ni bocelli..ngayon lang tumahimik ang kanyang buhay at wala dun si Lilibeth.

Madilim ang mga ilaw at ang tanging liwanag ay nangagaling lang sa stage. Maya maya...nabigla nalang si Monica ng may lumapit na lalake na naka amerikana sa kanya. Kala nya ay dadaan lang ang lalake sa kanyang upuan...ng biglang ikina gulat nya na bigla syang binuhusan nito ng kulay pula na juice sa kanyang damit.

Hindi naka sigaw si Monica...sa sobrang pag ka bigla..mabilis ang pangyayari..ang kanyang mga katabi ay napanganga nalang at wala ding nasabi...nag kalat ang kulay pula sa damit nyang puting puti...

Tumakbo na paalis ang lalake...nag isip muna si Monica...super shock sya at nakita nya na sobrang kalat ng juice sa damit nya...tumayo sya at sana ay hahabulin nya ang lalake..pero sobrang bilis na nito lumakad...at nawala na sa hall...

"Putang ina mo Lilibeth...hayop ka!" pabulong na sinasabi ni Monica habang nag lalakad papunta sa kwarto ni Lilibeth

"Wala ng iba pang makaka gawa nito kung hindi ikaw....hayop ka" habang naglalakad sya sa lobby..at ng pasakay na sya ng elevator...ay may biglang tumawa ng malakas sa lobby na babae...pag tingin ni Monica..andun si Lilibeth na nag kakape....

Magkasalubong ang kilay nito at nawala na ang poise sa pag lakad..parang boxingera na ang lakad nya papunta kay lilibeth...pag lapit...kinuha nya ang kape ni Lilibeth at ibinuhos ito sa buhok at muka nya....na bigla din si lilibeth..

"Hayop ka!"

at dun na nag simula ang gulo nila...hinatak ni monica ang suot ni Lilibeth...at ganun din si lilibeth....nag sabunutan sila at gumulong gulong sa lobby...nagka gulo ang mga guest...habang binangga na nila ang mesa..silya..at nabasag ang mga baso, tasa, flower vase sa mesa.

Pag tayo ni Monica...napansin nyang lahat eh naka tingin sa kanya...sa kanyang pagka gulat..nakita nya na wala na pala syang balot simula tyan pababa..kaya kitang kita ang suso nya ng mga tao....nagulat din sya....hinila nya ang gown na nasira..tinakpan ang dibdib...umi iyak at tumakbo sa elevator dahil sa hiya...

Si Lilibeth...gulo gulo na din ang buhok pero may damit pa din...ngumiti lang sya ng makita nya si Monica na tumatakbo papuntang elevator...ng bigla itong sumigaw

"Hindi pa tayo tapos...gaga...social climber...puta ka"

Lumingon lang si Monica...at sumakay na ng elevator...alam nya..palaban talaga si Lilibeth at gagawin nito ang lahat para masira sya...

end of Part 1

3 comments:

henry said...

atlast.. nabasa ko din cont. ng blog na ito... kala ko matetengga ng tuluyan ang blog.

galingan mo pa fox.

t.c.

Fox and Jake said...

Well I'm trying..after this week..kasi blessing ng gym ko sa tuesday..then surprise party dun sa partner ko...

Pero parang may inspiration nanaman ako mag sulat..

Anonymous said...

wala na po ba itong kasundo? 2 days ko din binasa ng buo ang blog... non-stop! sana po madugtungan na ito.