The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Friday, July 9, 2010

Chapter 30 Jordan and Boy Book 2

Part 1

Pag baba nila Jordan sa Kalye ay nag kaka gulo na sa harap ng hotel nila. Yung mga nag martsa na lahat naka pula ay nag rally para mapa talsik ang naka upong Prime Minister. Napansin ito ni Jordan at medyo masama ang kutob nya dito. Kung merong isang personality si Jordan na kaka iba sa lahat eh yun ang kanyang sixth sense. Malakas ang kanyang pakiramdam at minsan ay nakikita nya sa kanyang utak ang mga events na mangyayari sa mga darating na araw.

Pag ka gising ng umaga ay nag breakfast sila sa buffet ng hotel na malapit sa poolside.

"so ano plano mo Jordan for today?" tanong ni andrew

"hmmm...actually wala ....pero gusto ko makita si boy"

"si boy?" pagka bigla ni andrew

"oh bakit?" patanong ni Jordan

"wala lang..."

"don't worry bakling"

"hoy...hindi ako bakling..bisexual ako"

"bahala ka sa buhay mo...kung ano gusto mo"

"suplado...bad trip ka umagang umaga"

"bakit sino ba matanong satin?"

"alam mo....kaya ako andito dahil kinuha ako ni Jake..at amo ko si jake...kasalanan ko ba kung naging Jordan na bwisit ka"

"aba...tumataray ka na ha..bugbugin kaya kita?"

"Jordan...ano plano mo kay boy?"

"Diba...kasama sya sa plano natin?"

"Pero Jordan ikaw hindi...si Jake OO"

"Pwes ako si jake ngayon..kaya kasama ako para mabalikan natin lahat sila"

"Honestly Jordan, I don't trust you..."

"Hmm...pwede"

"Anong Pwede? Jordan...pwede ba...ang dami ng problema ni jake..wag ka na dumagdag please"

"At ano idadagdag ko Andrew? Tell me?"

"Ewan ko Jordan..nararamdaman ko...sa mga mata mo..iba..."

"Hahahaha...so pati mata ko marunong ka ng tumingin?"

"Mahal ni Jake si boy...minsan lang sila nag kasama ulit..ewan ko ba kung bakit ka biglang lumabas"

"Eto nanaman tayo...bakla..diba sinabi ko sayo...namatay nanay ni Jake"

"Alam ko"

"Pwes..tigil mo tanong mo...sige kain....diba sa Shangrila si Boy"

"Oo"

"okay...dito ka lang sa hotel ha...wag kang aalis..unless I tell you so...and alalayan mo si Carla sa byahe nya papunta dito?"

"What?"

"yes..I told her to come"

"Alam ba ito ni Jake?"

"Bakla...diba ako na si jake"

Tumahimik lang si Andrew....masama ang pakiramdam nya..alam nya na hindi ito ang plano ni Jake...at alam nya na kailangan nya kumilos...at kung kailangan pigilan itong si Jordan ay gagawin nya.

Habang kumakain si Jordan ay tinitignan nya at pinaki raramdaman si Andrew...kung ito ay may ini isip din na pag pigil sa kanyang mga plano...habang nag iisip si jordan

"Ligawin ko kaya itong baklang ito....hadlang lang ito sa mga gagawin ko...ayoko mag bitbit ng bagahe...pero nakaka awa din...kailangan ko ding gantihan yang boy na yan..sya umapi kay jake at rey...patayin ko kaya dito yun....hmmm...pero sa dami ng kalaban ni jake dito at sa manila...gagamitin ko nalang itong si boy...at least may koneksyon ako kanila monica"

Habang nag iisip naman si Andrew

"Putang to...ano kaya magagawa ko dito...itale ko kaya ito or pa inumin ko ng pam patulog para wala syang magawa..at baka pag gising nya eh si jake na ulit...dyos ko natatakot ako..di ko pa nagagawa itong mga ini isip ko..ano ba to...pano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon"

"Oh...pano...una nako sayo Andrew...mag shower pako" patayo na sabi ni Jordan

"Sige..una ka na" payuko na sabi ni Andrew...

Umakyat si Jordan sa room nila sa hotel..at nag bihis...pag labas nya ng daan..ay lalong gumugulo ang rally at parami ng parami ang mga naka suot ng kulay pula sa daan...

end of Part 1

1 comment:

Anonymous said...

Thank you so much for updating the story!

Been waiting for this... =)